Tata Selo
Ni:Rogelio Sikat
Maliit lamang sa simula ang kalumpon
ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na
ang baliatng tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran
ng bahay-pamahalaan.
Naggigitan ang mga tao,
nagsisiksikan, nagtutulakan bawat isa’y naghahangad makalapit sa istaked.
“Totoo ba, Tata Selo?”
“Binawi niya ang aking saka
kaya tinaga ko siya.”
Nasa loob ng
istaked si Tata Selo. Mahigpit
na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha
sa Malabo attila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris
niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang
yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa
harap niya at kausap ang isang magbubukid ang kanyang kahangga, na isa
sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakagulong tao.
"Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata
Selo," umiiling na wika ngkanyang kahangga, talagang hindi ko ho
mapaniwalaan."
Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang
ga-dali at natuyuan na ng dugng putok sa no. Sa kanyang harapan,
di kalayuan sa istaked, ipinagtutulakanng mga pulis ang mga taong ibig
makakita sa kanya. Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang
humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang nasasalisd na
alikabok.
"Bakit niya babawin ang saka?"
tanong ng Tata Selo. "Dinaya ko na ba siya sa partihan? Tinuso ko na
ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi ba't kaya
maraming nagagalit sa akin ay dahilsa ayaw kong magpamigay ng kahit
isang pinangko kung anihan?"
Hindi pa rin
umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas.
Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan.
"Hindi ma
na sana tinaga ang Kabesa," anang binatang anak ng
pinakamayamang propitaryo sa San Roque, na tila isang magilas na
pinunong bayan nakalalahad sa pagitan ng maraming tao sa istaked.Mataas ito, maputi
nakasalaming may kulay at nakapamaywang habang naninigarilyo.
"Binabawi po
niya ang aking saka," sumbong ni Tata Selo. "Saan pa po ako
pupunta kung wala na akong saka?"
Kumumpas ang
binatang mayaman. "Hindi katwiran iyan para tagain mo ng
kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin,
mapapaalis ka niya anumang oras. "
Halos lumabas
ang mukha ni Tata Selo sa rehas.
"Ako po'y
hindi ninyo nauunawaan, "nakatingala at nagpipilit ngumiting wika
niya/ Sa binatang nagtapon ng sigarilyo at marring
tinapakan pagkatapoos. "alam po ba ninyong dating amin ang lupang
iyn? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo
lamang po ng kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon kaya nga po
ako hindi nagbibigay ng kahit isang pinangk kung anihan. Kung hindi k na
naman po mababawi, masasaka man lamang po. Nakikiusap poako sa kabesa kangina.
'kung maaari po sana, "Besa, wika ko po, 'kung maaari po sana, huwag naman
ninyo akong paalisin. Kaya ko pa pong mag-saka, "Besa. Totoo pong ako'y
matanda na, ngunit ako pa nama'ymalakas pa. Ngunit... Ay! tinungkod po niya
ako nang tinungkod, tinganan po n'yong putok sa aking noo,
tingnan po 'nyo,"
Dumukot ng sigarilyo ang
binata. Nagsindi ito at pagkaraa'y tinalikuran si Tata Selo at
lumapit sa isang pulis.
"Pa'no po
ba'ng nangyari, Tata Selo?
Sa pagkakahawak
sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na
nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang
magbubukid, anak-magbubukid na naniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong
balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May
sukbit itong lilik.
"Pinuntahan niya ako sa
aking saka, amang," paliwanag ni Tata Selo. "Doon ba sa may
sangka. Pinaaalis ako sa aking saka, ang wika'y iba na raw ang magsasaka. Nang
makiusap ako'y tinungkod ako. Ay! tinugkod ako, amang. nakikiusap ako sapagkat
kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?
"Wala na
nga kayong mapupuntahan, Tata Selo."
Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata
Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.
"Patay po
ba?"
Namuti ang mga
kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat.
"Pa'no po
niyan si Saling?" muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang
maglalabimpitong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina.
Katulong ito
kina kabesang tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo "Pa'n po niyan
si Saling?"
Lalong humigpit
ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas. Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata
Selo. Mag-aalas-onse
na nang dumating ito, kasama ang hepe ng mga pulis. Galing ssila sa bahay ng
kabesa. abut-abot ang busina ng diyip na kinasasakyan ng dalawang upang
mahawi ang hanggang noo'y di pa nag-aalisang tao.
Tumigil ang
diyip sa di-kalayuan sa istaked.
"Patay po
ba? Saan po ang taga?"
Naggitgitan at
nagsiksikan ang mga pinagpawisang tao.Itinaas ngmay-katabaang alkalde ang
dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay.nanulak ang malaking lalaking
hepe.
"Saan po
tinamaan?"
"Sa
bibig." Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot
iyn at mariing ihinagod hanggang sa kanang punong
tainga. "Lagas ang ngipin."
Nagkagulo ang
mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw ng ng
batuta ang mga pulis. Ipinasya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo
at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa
istaked.
"Mabibilanggo
ka niyan, Selo," anang alkalde pagkapasok ni Tata Selo. Umupo si Tata Selo
sa silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong
niya iyon sa nasasalaminang mesa.
"Pa'no nga ba'ng nangyari?
"Kunot at galit na tanong ng alkalde.
Matagal bago
nakasagot si Tata Selo.
"Binawi po
niya ang aking saka, Presidente, " wika ni Tata Selo. "Ayaw ko pong
umalis doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin po, naisangla lamang po
at naembargo-"
"Alam ko
na iyan, "kumukumpas at umiiling na putol ng nabubugnot na alkalde.
Lumunok si Tata
Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw ng luha sa
kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata.
"Ako po
naman, Presidente, ay malakas pa,"wika ni Tata Selo "Kaya ko pa
pong magsaka. Makatuwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman
ako, Presidente, malakas pa po."
"Saan mo
tinaga ang kabesa?"
Matagal bago
nakasagot si Tata Selo.
Nasa may sangka
po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas na
pilapil. Alam ko pong pinanonood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko
ang paggawa, para malaman niyang ako po'y talagang malakas pa, kaya ko pa
pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at nang ako po'y
lumapit, sinabi niyang makakaalis naako sa aking saka sapagkat iba na ang
magsasaka.
"Bakit po
naman, Besa? tanong k po. Ang wika'y umalis na lang daw po ako. 'Bakit po
naman, Besa? Tanong ko po uli, 'malakas pa po naman ako, a' Nilapitan po niya
ako. Nakiusap pa po ako sa kanya, ngunit ako po'y ... Ay! tinungkod po
niya ako ng tinungkod nang tinungkod."
"Tinaga mo
na no'n, " anag nakamatyag na hepe.
Tahimik
sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin -- may mga eskribiyente pang
nakapasok doon -- ay nakatuon kay Tata Selo. Nakayuko si Tata Seloo at
gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak
sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at
luyang paa.
"Ang iyong
anak, na kina kabesa raw? usisa ng alkalde.
Hindi sumagot
si Tata Selo.
"Tinatanong
ka anang hepe.
Lumunok si Tata
Selo
"Umuwi na
po si Saling, Presidente."
"Kailan?"
Kamakalawa po
ng umaga.
"Di ba't kinakatulong siya
ro'n?"
Tatlong buwan na po."
"Bakit siya umuwi?"
Dahan-dahang umangat ang
mukha ni Tata Selo. Naiiyak na napayuko siya.
"May sakit po siya."
Nang sumapit ang alas-dose -
inihudyat iyn ng sunud-sunod na pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat
lamang ng munisipyo - ay umalis ang alkalde upang mananghalian. Naiwan si Tata
Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis.
"Napatay mo
pala ang kabesa," anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay
Tata Selo na nakayuko at di pa natitinag sa upuan.
"Binabawi
po niya ang aking saka." katwiran ni Tata Selo. Sinapokng hepe si Tata
Selo. Sa lapag halos mangudngod si Tata Selo
"Tinungkod
po niya ako ng tinugkod, " nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran
ni Tata Selo.
Itinayo ng hepe
si Tata Selo. Kinadyt ng hepe si Tata Selo ssa sikmura. Sa sahig napaluhod si
Tata Selo, nakakapit sa unipormeng kaki ng hepe.
"Tinungkod
po niya ako ng tinungkod ... Ay! tinungkod po niya ako ng tinungkod ng
tinungkod ..."
Sa may pinto ng tanggapan, naaawang
nakatingin ang dalawang pulis.
"Si kabesa kasi ang
nagrekomenda kay Tsip, e," sinasabi ng isa nang si Tata Selo ay ttila
damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe.
Mapula ang sumikat na araw
kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo nagkalat ang papel na naiwan nang
nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng
buwang iyo'y dapat nang nag-uuulan. Kung may humihihip na
hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga pepel sa itaas.
"Dadalhin ka siguro sa
kabesera, Selo, "anang bagong paligo at bagong bihis na
alkalde sa matandang nasa loob ng istaked. "Don ka siguro
ikukulong."
Wala ni papag sa looob ng istaked at
sa maruming sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niya'y
may natutuyong tamak-tamak na tubig. Naka-unat ang kanyang maiitim at hinahalas
na paa at nakatukd ang kanyang tila walang butong mga kamay.
Nakakiling , nakasandal siya sa steel matting na siyang panlikurang
dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi na gagalaw ang sartin
ng maitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon.
"Habang-buhay siguro ang
ibibigay sa iyo," patuloy ng alkalde. Nagsindi ito ng tabako at lumapit sa
istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde.
"Patayin na rin ninyo
ako, Presidente."Paos at bahagya nang narinig si Tata
Selo."Napatay ko po ang kabesa, Patayin \na rin ninyo ako."
Takot humipo sa maalikabok na
rehas ang alkalde. Hindi niya nahipo ang rehas ngunit pinagkiskis niya ang mga
palad at tiningnan niya kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo,
nakita niyang lalo nang nakiling ito.
May mga tao namang dumarating sa
munisipyo. Kakaunti iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa bakuran
ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sa
bagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay
taga-poblacion. Hanggang noon, bawa't isa nagtataka, hindi makapaniwala,
gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang kabesa. Nagtataka at
hindi makapaniwalang nakatingiin sila kay Tata Selo na tila isang di
pangkaraniwang hayop na itatanghal.
Ang araw katulad kahapon, ay
mainit na naman. Nang magdadakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo.
Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas
na humagulgol.
Nalaman ng alkalde na dumating si
Saling at ito'y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di-nagtagal at si Tata Selo
naman ang ipinakao. Dalawang pulis ang umalalay kay Tata Selo. Halos buhattin
siya ng dalawang pulis.
Pagdating sa bungad ng tanggapan ay
tila saglit na nagkaroon ng laka si Tata Selo. Nakita niya ang
babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente.
Nagyakap ang mag-ama pagkikita.
"Hindi ka
na ssana naparito Saling," wika ni Tata Selo na napaluhod." May sakit ka, Saling, may sakit
ka!"
Tila tulala ang anak ni Tata Selo
habang kaloong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang buhok, ang
damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang araw. Matigas ang
kanyang namumulang mukha. Pinalipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong
alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis.
"Umuwi ka
na, Saling " hiling ni Tata Selo. Bayaan m na ...
bayaan mo na. Umuwi ka na, anak. Huwag, huwag ka
nang magsasabi..."
Tuluyan nang
nalungayngay si Tata Selo. Ipinabalik siya ng alkalde sa istaked.
Pagkabalik niya sa istaked, pinanood na naman siya ng mga tao.
"Kinabog
kagabi," wika ng isang magbubukid. " Binalutan ng basang
sako, hindi nga halata."
"Ang anak, dumating daw?
"Naki-mayor."
Sa isang sulok ng istaked iniupo ng
dalawang pulis ssi Tata Selo. napasubsob si Tata Selo pagkaraang siya'y maiupo.
Ngunit nang marinig niyang muling ipinanakaw ang pintong bakal ng istaked,
humihilahod na ginapang niya ang rehas. mahigpit na humawak doon at habang
nakadapa'y ilang sandali ring iyo'y tila huhutukin. Tinawag siya ng mga pulis
ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa
rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa semendadong lapag. Matagal siyang nakadapa
bago niya narinig na may tila gumigising sa kanya.
"Tata Selo ... Tata Selo
..."
Umangat ang mukha ni Tata Selo.
Inaninaw ng mga luha niyangmata ang tumatawag sa kanya.
Iyon ang batang dumalaw sa kanya
kahapon.
Hinawakan ng bata ang kamay ni
Tata Selo na umabot sa kanya.
"Nando'n amang si Saling
sa Presidente, "wika ni Tata Selo. "Yayain mo nang umuwi, umuwi
na kakyo." Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang bata'y saglit
na nag-paulik-ulik, pagkaraa'y takot at bantulot ng sumunod...
Mag-iikaapat na ng hapon. Padahilig
na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyn. May Kapiraso nang lihin sa
istaked, sa may dingding na steel matting, ngunit si Tata Selo'y wala roon.
Nasa init siya. nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin
siya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata'y
tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked,
nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kanina. Sinabi ng batang
na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi
siya pinakinggan ni Tata Selo, na ngayo'y hindi pagbawi ng saka ang
sinasabi.
Habang nakakapit sa rehas at
nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay!
ang lahat ay kinuuha na sa kanila...
--WAKAS--
haba
TumugonBurahinlong
BurahinI read and say it word by word
TumugonBurahinNang 3:31 AM
TumugonBurahinHaba
Tumugon
ang ikli d KO ramdam
TumugonBurahinYahahaahahhah
TumugonBurahin