Miyerkules, Agosto 12, 2015
Daluyong
Daluyong
Hatinggabi.Ginulantang si Kardo ng
langitngit ng uga ng kanilang bahay.Sa simula’y marahan ngunit mayamaya’y para
na siyang idinuruyan sa kanyang pagkakahiga.
“Lindol! Lumilindol!” ang sigaw niya
sabay balikwas sa kinahihigaan.
Dali-daling bumaba si Kardo kasunod
ng kanyang asawa’t dalawang anak. Hindi magkamayaw ang mga taong tulad nila na
humahanap din ng kaligtasan sa labas ng bahay.
“Diyos ko, iligtas Mo po kami,” ang
dasal ng karamihan.
Nakabibingi ang tilian at iyakan ng
mga bata at matatanda.
“Ito na yata an gating katapusan,”
ang wika ng ilan.
Bahagyang napayapa ang mga tao ng
tumigil ang lindol. Subalit ilang minute pa ay napansin nila ang pagtaas ng
tubig sa dagat sa akanilang kinaroroonan. Dagling kinabahan si Kardo .alam
niyang ang kasunod ng lindol ay daluyong.
Lalong nangatakot ang mga tao ng
marinig ang di-pangkaraniwang ugong na nagmumula sa dagat. Kitang-kita nila ang
naglalakihang alon na parang naghahabulang palapit sa pampang.
“Takbo kayo! Kilos at hayan na ang
daluyong!” ang sigaw ni Kardo sabay bitbit sa isang anak.
“Mamamatay tayo! Mamamatay tayo!” ang
tilian ng mga tao na walang malay sulingan sa pagtakbo.
Hindi pa nakalalayo si Kardo nang
marinig niya ang nakalulunos na sigaw ng asawa’t anak.
Napatiim-bagang siya nang siya ay
lumingon at makitang nilalamon ng higanteng alon ang mga iyon. Binilisan niya
ang takbo upang iligtas ang anak na mahigpit na nakahawak sa kanyang leeg.
Mayamaya’y inabot siya ng
rumaragasang alon. Nakabitaw sa pagkakapit ang anak at mabilis itong tinangay
ng malakas na alon. Kumilos si Kardo upang iligtas ang anak subalit pinigil
siya ng isa pang nangangalit na alon. Bahagya niyang narinig ang tawag ng anak,
“T-a-t-a-y!”
Halos malunod si Kardo sa dami ng
tubig-alat na kanyang nainom. Naramdaman na lamang niya na bumangga ang kanyang
katawan sa isang malaking puno. Snunggaban niya ito at niyapos ng mahigpit
habang walang humpay ang palo ng nagpupuyos na alon sa kanyang katawan.
Hindi na niya matandaan ang sumunod
na pangyayari. Nang imulat niya ang namimigat na mga mataay payapa na ang
kalikasan.matindi ang pagod na kanyang nadama. Makailang ulit siyang huminga
nang malalim upang kaipala’y manauli sa kanyang lakas. Dahan-dahan siyang
tumayo at saka minalas ang kapaligiran.Nagkalat ang mga patay.Wala nang
nakatayong bahay. Ang dati-rati’y masigla at magandang baryong iyon ay mistulan
libingan sa ngayon.
Inihatid ni Kardo ngnamimigat niyang
paa sa pampang ng dagat. Bawat nakatimbuwang na katawan ay kanyang inaaninaw.
Makailang ulit na sumikdo ang kanyang dibdib tuwing may makikita siyang kahawig
ng asawa’t anak. Tinanaw niya ang dagat at sa kulay lupang tubig ay pilit na
binakas ang anino ng mga ito. Subalit nabigo siya.
Marahang bumalik si Kardo sa pook na
dating kinatitirikan ng kanilang bahay. May pag-asang nabuhay sa kanyang puso.
“Baka nakaligtas sila at hinahanap
nila ako roon,” ang wika niya sa sarili.
Nang sapitin niya ang kanilang lugar
ay nanlumo siya.Wala ang inaasahan niyang makita. Parang duming napalis ang kanilang tahanan. Napayupyop si
Kardo sa mga palad.
“Diyos ko, bakit kailangan mo sa akin
kunin ang lahat?” ang pahimutok niyang sabi.
Nasa gayon siyang kalagayan nang
maramdaman niya ang marahang tapik sa kanyang balikat.
“Pare, hindi lamang ikaw ang
nawalan.”
Itinaas ni Kardo ang kanyang paningin
at nakita niyaang malungkot na mukhang dating kapitbahay.
“Alisin mo ang habag sa sarili.
Pakinggan mo ang daing ng mga kasama nating nasa bingit ng kamatayan. Kailangan
nila atayo, hindi ba?” ang patuloy ng llaki.
Waring natighaw ang pagdadalamhati ni
Kardo. Lumakad itong ksabay ng lalaki patungo sa nangangailangan sa kanya.
--WAKAS--
Hango sa Punla, Sining ng Komunikasyon II, Ministri ng Edukasyon at Kultura (1979)

Hango
sa Punla, Sining ng Komunikasyon II, Ministri ng Edukasyon at Kultura (1979)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento