Sabado, Agosto 8, 2015

Bibihisan Ko ang Bagong Kristo! Ni Rosalinda B. Lim (Kwentong Pasalaysay)

Bibihisan Ko ang Bagong Kristo!
Ni Rosalinda B. Lim
(Kwentong Pasalaysay)


            Sa pagdapyo ng malamig na simoy ng hangin ay kapansin-pansin ang pamumulaklak ng mapupulang poinsetya, ang paginlanglang ng malalmyos na awitingg pamasko na nagdudulot sa akin ng kakaibang damdamin.
            Aywan ko..ngunit nadarama kon kakakiba ang iniisip ko ukol sa Paskong darating.
Ang panahon ay lagi nang may pahiwatig tungkol sa pagdatal ng ganitong mga pagkakataon upang gunitain at dakilain ng mga Kristiyano, bilang pinakadakilang araw na kanilang ipinagdiriwang.
            Bawat tao, matanda o bata, mairap o mayaman ay nagiging isa lamang kung dumarating na ang dakilang araw na ito. Waring sinasadya ng isang makapangyarihan na sa ganitong mga pagkakataon ay maging iisa lamang ang pinag-uukulan ng pagsamab, pagdakila at paggunita.
Hindi maaalis sa aking isipan ang mga gunitang kaugnay ng kabataan. Kung magkaminsan ay makikita ko ang aking sarili na isang paslit. Nangingiti ako kung sumasagi sa aking alaala ang pagmamadali ko ng  pagbibihis kung araw ng Pasko, suot ang magandang damit na kaloob ng aking tatay. Ang pasko noon ay nangangahulugan ng pag tanggap. Tuwang tuwa ako noon habang isinusukat ko ang mga bagong damit at sapatos na kaloob sa akin. Napapahid ang aking dila sa aking mga labi habang nagugunita ko ang masarap na pagkaing nakahanda sa aming mesa. Ipinagmamalaki ko pa noon ang aking mga napapamaskuhan sa aking mga kalaro habang masigla at buong lakas kong pakakalansingin ang perang nasa aking bulsa. Noon ay nais kong Palaging pasko.
Sampung taon ang nakalipas. Sampung pasko ang nagdaan sa aking buhay. Paano ko malilimot ang mga dupikal na kampanang nauukol para sa tanging panahong iyon? Paano ko iiwasan ang kinalimutan kong simbang gabi kung madaling araw habang si Tatay ay tigas na panggigising sa amin? (Ang pangangatog ko noon ay sinusuklian ng mainit na tsa at bibingkang mainit sa tindahang malapit sa simbahan.)
Ngunit noon ay bata pa ako, walong taong gulang. Ang ngayon ay iba sa kahapon. Malaki ang pagitan ng dalawa sa aking buhay. Karanasan, karunungan, at paligid nagsama-samang nagtutulong-tulong upang ngayon ay maging isang ganap na nilikha akong nakadarama, nakauunawa ng kahulugan ng buhay, ang kumilos para sa kanyang sarili…o maaaring para sa iba.
Narinig ko na naman ang malalambing na awiting Pamasko. Nakikita ko sa paligid ang mga bakuran ng naiibang kulay ng poinsetya na naglalarawan ng pag-ibig; pag-ibig na kaiba sa lahat ng pag-ibig sapagkat banal,wagas, walang pag-iimbot o pagkukuknwari – isang kahanga hangang pag-ibig na ipinagkaloob ng lumikha sa tao. Walang ipinagbago ang malamig na simoy ng hanging buong laying pumupuno sa aking silid upang muling ipa alala sa akin ang kapaskuhan na paulit-ulit na nagaganap tuwing darating ang ganitong panahon.sa malapit sa amin ay hindi rin maikakaila ang pag-usok ng mumunting tindahang mabubuhay at nagkakaroon ng sigla.
Ngayon ay iba sa bukas. Malayo na ang kahapong mananatili na lamang na gugunitain at tatanawin ko. Aywan ko, ngayon ay wala na ang damdamin ko para sa mga handog na ibibigay sa akin. Hindi ko na pinananabikan pa ang mga bagong damit at sapatos, ang salaping ibinibigay sa akin.




Bantad na ako. Sawa na sa mga pagtitinginang dagling nawawala, kasabay ng paglipas ng kapaskuhan. Ang nadarama ko ngayon ay ang pangangailangan ng isang tunay na pasko na napapalamutian ng pagmamahalan. Ngayon ko lamang lubos na naunawaan ang tunay na kahulugan ng mabuhay sa daigdig para sa iba. ngayon ko pa lamang nadarama ang tunay na diwa ng Pasko. Marahil ay hindi pa huli ang lahat.
Maraming tao ang naglalakad na may ngiti sa labi. Magaganda ang kanilang mga bagong damit. Ang marami ay may mga bagong sapatos din. Sagana naman ang mesa sa pagkain. Makakapal ang mga pangginaw ng mga maykaya upang hindi gaanong madama ang lamig
Samantala… sa bawat paligid natin ay naroroon ang mga mahirap. May mga poinsetya sa Pasko upang kanilang panoorin lamang. May masasarap na pagkain upang malanghap lamang nila ang amoy at umasa. Maraming damit at sapatos na ipinagbibili ngunit naroon para sa iba.
Ang nadarama ko ngayon ay hindi na para sa aking sarili, hindi na sa pagtanggap ng ipinagkaloob sa akin. Ang hinihintay ko ngayon ay kung paano ako makapagbibigay. Kung paano ako makapagpapaligaya sa mahihirap. Ayaw ko ang isang taksil at mandarayang lipunan!
At muli kong naaalala ang munting sanggol na isinilang sa abang sabsaban libong taon na ang nakalilipas. Hubad siya, walang yaman, salat sa lahat ng bagay. Sa pagkakataon ng napakahirap na sandal ng kanyang pagsilang ay wala siyang karamay. Ngunit siya ang dahilan ng pasko, ang diwa ng pasko – ang pagbibigayan. Ipinagkaloob ng diyos ang kanyang bugtong na anak sa mga tao. At walang isinukli ang tao kundi ang isang krus sa mananakop.
Hindi ko makakalimutan ang halimbawang ito sa aking buhay. Bibihisan ko ang kristo. Patutuluyin ko siya sa aming bahay. Ang bagong kristo ay salat sa pangangailangan. Hindi pa huli ang lahat. Magbibigay ako sa paskong ito ng aking sarili, ng aking pagmamahal at ng aking pag-unawa – sa tunay na kahulugan ng pagdiriwang.


-wakas-








1 komento:

  1. Why we make money off of casinos - Dr.MCD
    With over 나주 출장마사지 25,000 진주 출장마사지 slots games to 삼척 출장샵 play, the slots industry is growing. 계룡 출장안마 But does 이천 출장마사지 that mean that people are investing more money?

    TumugonBurahin