Bibihisan
Ko ang Bagong Kristo!
Ni
Rosalinda B. Lim
(Kwentong
Pasalaysay)
Sa
pagdapyo ng malamig na simoy ng hangin ay kapansin-pansin ang pamumulaklak ng
mapupulang poinsetya, ang paginlanglang ng malalmyos na awitingg pamasko na
nagdudulot sa akin ng kakaibang damdamin.
Aywan
ko..ngunit nadarama kon kakakiba ang iniisip ko ukol sa Paskong darating.
Ang panahon ay lagi nang may pahiwatig tungkol sa
pagdatal ng ganitong mga pagkakataon upang gunitain at dakilain ng mga
Kristiyano, bilang pinakadakilang araw na kanilang ipinagdiriwang.
Bawat
tao, matanda o bata, mairap o mayaman ay nagiging isa lamang kung dumarating na
ang dakilang araw na ito. Waring sinasadya ng isang makapangyarihan na sa
ganitong mga pagkakataon ay maging iisa lamang ang pinag-uukulan ng pagsamab,
pagdakila at paggunita.
Hindi maaalis sa aking isipan ang mga gunitang
kaugnay ng kabataan. Kung magkaminsan ay makikita ko ang aking sarili na isang
paslit. Nangingiti ako kung sumasagi sa aking alaala ang pagmamadali ko ng pagbibihis kung araw ng Pasko, suot ang
magandang damit na kaloob ng aking tatay. Ang pasko noon ay nangangahulugan ng
pag tanggap. Tuwang tuwa ako noon habang isinusukat ko ang mga bagong damit at
sapatos na kaloob sa akin. Napapahid ang aking dila sa aking mga labi habang
nagugunita ko ang masarap na pagkaing nakahanda sa aming mesa. Ipinagmamalaki
ko pa noon ang aking mga napapamaskuhan sa aking mga kalaro habang masigla at
buong lakas kong pakakalansingin ang perang nasa aking bulsa. Noon ay nais kong
Palaging pasko.
Sampung taon ang nakalipas. Sampung pasko ang
nagdaan sa aking buhay. Paano ko malilimot ang mga dupikal na kampanang nauukol
para sa tanging panahong iyon? Paano ko iiwasan ang kinalimutan kong simbang
gabi kung madaling araw habang si Tatay ay tigas na panggigising sa amin? (Ang
pangangatog ko noon ay sinusuklian ng mainit na tsa at bibingkang mainit sa
tindahang malapit sa simbahan.)
Ngunit noon ay bata pa ako, walong taong gulang. Ang
ngayon ay iba sa kahapon. Malaki ang pagitan ng dalawa sa aking buhay.
Karanasan, karunungan, at paligid nagsama-samang nagtutulong-tulong upang ngayon
ay maging isang ganap na nilikha akong nakadarama, nakauunawa ng kahulugan ng
buhay, ang kumilos para sa kanyang sarili…o maaaring para sa iba.
Narinig ko na naman ang malalambing na awiting
Pamasko. Nakikita ko sa paligid ang mga bakuran ng naiibang kulay ng poinsetya
na naglalarawan ng pag-ibig; pag-ibig na kaiba sa lahat ng pag-ibig sapagkat
banal,wagas, walang pag-iimbot o pagkukuknwari – isang kahanga hangang pag-ibig
na ipinagkaloob ng lumikha sa tao. Walang ipinagbago ang malamig na simoy ng hanging
buong laying pumupuno sa aking silid upang muling ipa alala sa akin ang
kapaskuhan na paulit-ulit na nagaganap tuwing darating ang ganitong panahon.sa
malapit sa amin ay hindi rin maikakaila ang pag-usok ng mumunting tindahang
mabubuhay at nagkakaroon ng sigla.
Ngayon ay iba sa bukas. Malayo na ang kahapong
mananatili na lamang na gugunitain at tatanawin ko. Aywan ko, ngayon ay wala na
ang damdamin ko para sa mga handog na ibibigay sa akin. Hindi ko na
pinananabikan pa ang mga bagong damit at sapatos, ang salaping ibinibigay sa
akin.
Bantad na ako. Sawa na
sa mga pagtitinginang dagling nawawala, kasabay ng paglipas ng kapaskuhan. Ang
nadarama ko ngayon ay ang pangangailangan ng isang tunay na pasko na
napapalamutian ng pagmamahalan. Ngayon ko lamang lubos na naunawaan ang tunay
na kahulugan ng mabuhay sa daigdig para sa iba. ngayon ko pa lamang nadarama
ang tunay na diwa ng Pasko. Marahil ay hindi pa huli ang lahat.
Maraming tao ang naglalakad na may ngiti sa labi.
Magaganda ang kanilang mga bagong damit. Ang marami ay may mga bagong sapatos
din. Sagana naman ang mesa sa pagkain. Makakapal ang mga pangginaw ng mga
maykaya upang hindi gaanong madama ang lamig
Samantala… sa bawat paligid natin ay naroroon ang
mga mahirap. May mga poinsetya sa Pasko upang kanilang panoorin lamang. May
masasarap na pagkain upang malanghap lamang nila ang amoy at umasa. Maraming
damit at sapatos na ipinagbibili ngunit naroon para sa iba.
Ang nadarama ko ngayon ay hindi na para sa aking
sarili, hindi na sa pagtanggap ng ipinagkaloob sa akin. Ang hinihintay ko
ngayon ay kung paano ako makapagbibigay. Kung paano ako makapagpapaligaya sa
mahihirap. Ayaw ko ang isang taksil at mandarayang lipunan!
At muli kong naaalala ang munting sanggol na
isinilang sa abang sabsaban libong taon na ang nakalilipas. Hubad siya, walang
yaman, salat sa lahat ng bagay. Sa pagkakataon ng napakahirap na sandal ng
kanyang pagsilang ay wala siyang karamay. Ngunit siya ang dahilan ng pasko, ang
diwa ng pasko – ang pagbibigayan. Ipinagkaloob ng diyos ang kanyang bugtong na
anak sa mga tao. At walang isinukli ang tao kundi ang isang krus sa mananakop.
Hindi ko makakalimutan ang halimbawang ito sa aking
buhay. Bibihisan ko ang kristo. Patutuluyin ko siya sa aming bahay. Ang bagong
kristo ay salat sa pangangailangan. Hindi pa huli ang lahat. Magbibigay ako sa
paskong ito ng aking sarili, ng aking pagmamahal at ng aking pag-unawa – sa
tunay na kahulugan ng pagdiriwang.
-wakas-
Why we make money off of casinos - Dr.MCD
TumugonBurahinWith over 나주 출장마사지 25,000 진주 출장마사지 slots games to 삼척 출장샵 play, the slots industry is growing. 계룡 출장안마 But does 이천 출장마사지 that mean that people are investing more money?