Miyerkules, Agosto 12, 2015

Nang Maligaw si Nyora Memay Ni: Gervasio B. Santiago

Nang Maligaw si Nyora Memay

Ni: Gervasio B. Santiago

Biglang napahinto sa paghakbang si Nyora Memay. Tila siya nakaranas ng saglit na pagkaidlip o saglit na pagkalimot sa sarili. Ipinilig ang kanyang ulo. Nagpalinga-linga mulas sa kinarororonan.

“A-ano bang lugar’to? Saan ba-ko naroroon?” ang usal niya.

Ibang pook ang lugay na iyon, ibang-iba. Hindi iyon ang dating daan na tuwing Linggi ng umaga’y dinaraanan niya sa pagsisimba at sa pag-uwi pagkatapos ng misa. Ang mga bahay, pati ang mga tanawin, ay bago sa kanyang paningin. Wala siyang nakakasabay na kakilala sa pagtungo sa simbahan, di katulad ng dati.

“N-naligaw ba-ko? Ngunit paano … imposebling maligaw ako!” ang tutol ng sarili ni Nyora Memay.

Mahigpitnang animnapung  taon si Nyora Memay. Mula ng mag-asawa siya, sa pook na iyon na siya nanirahan. Kilala roon ang angkang Filisteo, pagkat kung hindi man masasabing kabilang sila sa talgang mayayaman ay nakahihigit sila sa pangkaraniwan. Bago siya nabalo ay nakapagpagawa sila ng isang marikitna bunggalo sa loob ng isang malawak na bakuran na nakukubkob ng bakod na rehas na bakal. Hindi siya nag-aalaala sa kinabukasan, maliban sa pagmamadyong at pagsisimba.

Lola, may dinaramdam po ba kayo?” ang usisa ng isang tinig, hindi niya namalayan ang lumapit na tin-edyer. “May maiutulong po ba ako sa inyo?”

Napamalas si Nyora Memay sa kaharap. Hindi niya kilala.naka t-shirt na pula at nakamaikling pantaloon.

“N-naligaw yata  ako, nasa’n ba rito ang simbahan?”

“Wala pong simbahan sa lugar na ito, Lola”

“Ano, bakit wala? Alam kong may simbahan dito, pagkat sa pook na to na ‘ko tumanda. Ako si Nyora Memay Vda. De Filisteo, maipagtatanong ang pangalan ko rito. Nasa kalye Maginda ang bahay ko, isang bunggalo. Dapat kong malamang may simbahn ditto.”

“Pero, Lola talaga pong walang simbahan sa lugar na’to, at… wala rin pong kalye Maginda. Newsboy po ako, at gala ‘ko sa lugar ditto.

“Diyablo ka, inaabala mo ‘ko sa pagsisimba ko…”

Tinalikuran na lamang ni Nyora Memay ang hindi nakahumang bata. Bubulong-bulong siyang galit sa bata. Hindi siya makapaniwalaang mawawala ang simbahan.Naligaw siya, inaamin niya. Lakad…lakad! Nasa isip niya, matagpuan lamang niya ang simbahsn, mattiyak  na niyang hindi siya naliligaw.

Patuloy sa paglakad si Nyora Memay. Kung gaanona kahaba ang panahong nakaraan ay hindi niya namamalayan. Ang buong isip niya’y sa paghahanap. Ayaw niyang magtanong. Hindi niya ugali ang umasa sa tulong ng ibang tao, kaya nakalimutan niya na sina Sebi, Ata, at Titay, ang tatlong katulong niya sa bahay, ay mga tao rin.

Hindi napapansin ni Nyora Memay na nagddilm ang langit. Nakabitin ang maitim na ulap.kaya, nang humugong ang dumarating na ulan ay nabigla siya, hindi malaman kung saan susuling o tatakbo. Malalaki ang bahay sa daang iyon, kubkob ng mga bakod na pader o mga rehas na bakal. Nakasara ang mga gate. Tigmak na sa basa si Nyora Memay nang makasilong sa isang punong datiles malapt sa isang gate na rehas na bakal.

“N-nagugutom ako,” ang usal ni nyora Memay nang kumalam ang sikmura .“ Dapat naka sim ba na ‘ko’t nakauwi na ng bahay… dapat ay kumakain na ‘ko ngayon.”

Kung Linggo ng umaga, hindi ng huhusto ng almusal si Nyora Memay. Iinom lamang ng gatas at ngangalot ng biskwit .Pag-uwi ng bahay, saka kakain husto. Batid niya nag uulamin sana sa umagang iyon—dalawang pritong itlog at dalawang hiwa ng malambot na murkon na natira niya kagab.

Kangina, bago nanaog ng bahay, binigyan ni Nyora Memay ng pamili si Sebia. Ibinilinniyang mag-almondigas sa bihon at mag-adobo ng isang spring chicken at karneng baboy. Ang mga ulam na iyon ay para sa kanya lamang. Hindi  kasama ang mga utusan . Bukod ang pagkain nila. Limang piso sa buong isang araw.

Patuloy ang ulan.Bahagya nang makapananggol kay nyora Memay ang mga dahon ng datiles. Tumutulo na rin siya sa pagkabasa. Saka naman, may humintong traysikel sa tapat ng gate at bumaba ang isang babae, nagbukas ng paying at binitbit ang isang basket ng mga pinamili. Sa unang tingin, inakala niyang si Sebia iyon.

“Sebia!!”

Tuminginkay Nyora Memay ang babae.Lumapit.

“ Si Ninay ho ako, ang tagapagluto sa bahy na iyan,” at itinuro ang bahay.

“ A-akala ko’y ikaw si Sebia , ang tagapagluto ko…”

“Bakit kayo na riyan,  Lola?”

“N-naligaw ako… di ko matagpuan ang aking simbahan… nagugutom ako, giniginaw ako…” ang daing ni Nyora  Memay.

“Tena ho kayo sa bahay.  Wala ho’ng aking amo , umalis siya kahapon pa, pero uuwi ngayon. Kaya po ako namimili’y para ipagluto ng gustong pagkain niya.  Tena kayo, Lola… kahit papaano’y may maiipapakain kami saiyo.”

Ang kami ay nakilala ni Nyora Memay na dalawang kasama pa ni Ninay sa bahay na iyon—si nena, ang tagapaglaba, at si sedes na tagapaglinis ng bahay.

Parang dati nang kakilala ang pagaasikaso kay Nyora Memay ng tatlong katulong na iyon. Ipinaglabas siya  ni Ninay ng duster  na maipapalit sa kanyang basang damit; kupasing suwiter mula kay nena ang nakapagpainit sa kanyang katawan; at bagong tsinelas na abaka ang ipinasuot sa kanya ni sedes.

Naihanda na agad ni ninay an g pagkain sa isang maliit na mesa sa isang sulok ng kusina. “Dito nalang po kayo , Lola,” sabi ni Ninay.“ Yung magandang mesa sa kumedor na para lamang sa aming amo, walang ibang kumakain do’n kung di siya lang. baka tayo madatnan” ay mahirap na.”

Naupo na sa bangko soi Nyora Memay. Kung nasa bahay siya, sisikaran niya ang bangkong iyon. Ang silyang inuupuan niya sa pagkain ay may malambot na kutson. Ngunit gutom siya, halos hayok, kaya di na niya pinapansin iyon.

“ Pagpasensyahan na po ninyo ‘to, “ ang sabi ni Ninay, na inalis ang takip ng pagkain.” “To po ang pagkain namin dito.Bukod po kami sa’ming amo. Limang piso po sang-araw para sa pagkain naming tatlo, at sa mahal po ng mga bilihin ngayo’y anon a ang mabibili niyon?”

Napamalas si Nyora Memay sa nakahain—kaning sinangag na nangingitim sa mantikang kung makailang beses na yatang napagprituhan, pinangat na mumunting sapsap at isang tasang umiinit na salabat. Kinilig si Nyora Memay, naduduwal siya pinigil lamang niya.

“Marami hong pagkain dito, “ Ang patuloy ni Ninay,” para sa amo lang namin. Pati ho hiwa ng karne o manok o isda’y binilang niya. Talaga ho… ni hindi kami makapang-umit kahit sampiraso, at kapag nagkulang, kakatkatan na kami ng murang parang di kami tao ring anak ng Diyos.”

“Bakit di niyo nilayasan?” ang sabi ni Nyora Memay, na parang nabigla sa nasabi iyon.

“Mahal ho naming siya. Halos sa kanyang piling lumaki kaming tatlo. Nabalo siya’t nag-iisa siya sabuhay, wala kasing anak. Alam po naming na kailangan niya klami, at walang  ibang makapagtitiis sa kanya. Nagdarasal nalang kami na magbago siya kahit kaunti sa pagtinginsa amin.”

Kangina pa sumisigid sa dibdib ni Nyora Memay ang narinig kay Ninay, ngayo’y nakarating na sa ubod ng kanyang puso. May na muong luha sa kanyang mga mata. Ang hinakdal sa kanya ni Ninay sa kung sinong among iyon ay parang naging hinakdal din laban sa kanya ng tatlong katulong niya sa bahay—sina Sebia, Ata, at Titay ganun din ang trato niya sa tatlo. Hindi sinasalo sa pagkain. Tinitipid niya ang gugol para sa bunganga ng mga iyon. Gayong araw-araw ay nakikita niyan g halos pispis ang inuulam. Madals pa niyan g minumura at binibintangang inuumit ang pagkain niya. Paano nga  nakapagtitiis sa kanya sina Sebia, Ata, at Titay? Siguro nga’y mahal din siya ng mga ito.

“Kain na ho kayo, Lola, kahit magpapawing-gutom kayo,” si Ninay din iyon.

“Patawarinninyo’ ko mga anak,” ang sabi ni Nyora Memay, tumulo na ang mga luha sa pisngi.” H-hindi ko makakain yan’. Iinumin ko nalang ang salabat.”

Ng makainom, pinahid ni Nyora Memay ang mga basang pisngi. Tumanaw sa labas ng bintana. Tigil na ang ulan, bagaman kulimlim pa ang langit na tila nalalatagan ngmanipis na ulap.

“uuwi na ‘ko,” ang sabi. “B-baka madatnan pa ‘ko ng inyong amo’y magalitan kayo dahil sa akin.”

Nagunita ni Nyora Memay, minsa’y may dinatnan siyanng kamag-anak ni Sebia sa bahay. Nakiusap ito sa kanya na roon makikitulog ng isang gabi iyon. Hindi siya pumayag.Sa harap ng kamag-anak ay minura niya si Sebia, kaya dalidali na umalis iyon.

“Baka ho maligaw ulit kayo, Lola?”

Hindi nagpapigil si Nyora Memay. Tinulungan siya ni Ninay sa pagbibihis. Ang pigta niyang damit ay tinuyo na ni Nena sa init ng plantsa. Sinuklayan siya ng buhok ni Sedes. Hindi nakaligtaan ni Ninay naiabot sa kanya ang aklat-dasalang kinaiipitan ng rosary. Ihinatid pa siya ng tatlo hanggang sa makalabas ng gate. Paulit-ulit ang pasasalamat niya kina Ninay, Nena, at Sedes.

Sa daan, habang naglalakad si Nyora Memay, may dasal siya sa ubod ng kanyang puso. Sana’y matagpuan niya ang daan pabalik sa bahay—kina Sebia, Ata, at Titay. Masidhi ang pagnanais niyang makita ang tatlong katulong niya. Tila ba mahabang panahong napawala’y siya sa mga ito.

Walang anu-ano, biglang na patigil si Nyora Memay. Wari’y may nagdaang pagbabago sa kamalayan niya. Mabilis , halos sangkisap-mata. Napalinga-linga siya sa magkabilang panig ng daan. Kilala niya ang bahay.Kilalang –kilala niya. Iyon ang daang papunta sa kanilang bahay. At malapit na siya sa kanila. Nilingon niya ang pinanggalingan.hinanap niya ang punong datiles na sinilungan nang abuting ulan. Wala.

Nang nakakilos si Nyora Memay, halos patakbong nang tinungo ang kanilang bahay. Nakapasok siya sa gate nabagtas ang harden at nakapanhik sa balkon. Napasadlak siya ng upo sa sopa ng set na naroroon. Noon siya nakaramdam ng pagkahapo.

“Sebia..Ata…Titay…!”  ang naitawag niya sa tatlong katulong.

“Pooo!” ang sagot mula sa loob, gulat makailang  saglit  lamang, tatlong katawan na ang sumungaw sa pinto.

“B-bakit ho? Di ba kayo nagsimba? May dinaramdam po ba kayo?” ang tanong ni Sebia ngunit sa mukha ng tatlo ang pagaalala.” W-wala ‘kong dinaramdam mga anak, noon lamang niya na tawag na mga anak ang tatlo.”A-ano bangoras na ngayon?”

Pasado alasais lang ho . . . di pa natatagalang nanaog kayo kangina para magsimba.”

“ha? Gayon ba?”

“Ano  ho bang nangyari’t nagbalik kayo?”


“ N-naligaw ako…” ani Nyora Memay, at hindi na naituloy ang ibang sasabihin pa. maipapaliwanag ba ang nangyari sa kanya? Marahil Diyos lamang ang makapagpapaliwanag.” Sebia, Ata,Titay mula ngayon, sasalo na  kayo sakin sa pagkain… dadagdaganmo ngayon ang bibilhin mo, Sebia, para sa ating lahat,” at saka idinugtong. ”Sa isang Linggo na ako magsisimba… siguro’y matatagpuan ko na ang simbahan, kung kassama ko na kayong tatlo.”

May AsopoInay ni Juan P. Amodi

May AsopoInay
ni Juan P. Amodi


Mag-aalassiyesnggabingnasaharapngbahayni Mrs. Chavarriasi Careen. Inutusankasisiyang area director nilasa ministry upanghinginangperangsinulicitnilaparasa summer camp. Biglanalamangsiyangkinalabutanng Makita niyaangmgaalagangasoni Mrs. Chavarria. May karanasankasisiya noon naparatingbumabaliksakanyangisipankapagnakakitasiyangmgaaso. Ito’ynakakatakotngunitnakakatawangkaranasan.


Nasaunangbaitangngelementaryangmaranasanniyaangnakakatawangpangyayaringiyon. Umaga noon nginutusansiyangkanyangnanaynabumilingpansitsatindahannialing Gloria.

Oi, Carren..bumilikangangpansitngmakakainkana at bakamahulika pa saeskwela. “ angutosngkanyangnanay.’’

Opo nay..“ sagotnamanni Careen.”
Kakataposlamangniyangmaligo noon at nakasuotnarinsiyangdamit pang eskwela.
O, hayanangsampungpisodalianmoang kilos.” Wikangina”
Nang makalabassiyangbahay ay nakakitasiyanggrupongmgaasosakalsada.
“Aw, aw, aw, aw , aw…. WikangpataholniCarren….
Animo’ytinatawagniyaangmgahayop yon pala ay inaasarniyaito.
Dumukotsiyangbato at pinagbabatoangmgahayop.
Hahahaha… Sabayngkanyangmalakasnapagtawa.

NakaratingsiyasatindahanniAling Gloria at doon ay bumilingpansit.

Sadaanpatungosakanyangpag-uwi ay naroon pa rinangmgaasongtilanaghihintaysakanya.
Natatandaanmarahilngmgaasoangginawang pang aasar at pambabatongbata.

Grrrr!,, aw! Aw! Aw! Aw!...Angmalakasnapagtaholngmgaaso..

NagtapangtapangansiCarren..Sabin’yasasarili“ akalan’yonatatakotakosainyo ha.. Makakatawidako pa rinakosainyo.

Subalitangmgaaso ay tilanagngingitngitsakanya. Naririnigniyangtumutunogangngipinngmgaasonatilahandangkumainsakanya.

Huhuhuh..Lagotna..

Tumutulonaangpawissakanyangmgapisngi. Subalitayawniyangpapatinagsamgahayop.
Akalaniyotakotakosainyo ha.. “mayabangnasalitani Careen”.
Galitnayatasa akin angmgaito..Tatakbonalangako. “Bulongniyasasarili.’
Uno, Dos, Tres..

Ilang Segundo lang ay kumarip[as nasiyangtakbopatungosakanilangbahay. Subalithinahabolnamansiyangmgaaso.
Pansinniyang mas mabilisangtakbongmgaasokayasasakanya. Upanghindisiyamaabutan ay iniwannaniyaangsuotnatsinelasparawalangsagabalsapagtakbo.

Satindingtakot ay napasigawsiya. Inay! Inay! Inay!..mayasopo.. mayasopo..

Nakaratingnasiyangbahay at sigaw pa rinsiyangsigaw. Nakasiradokasiang pinto ngbahaynila.Takoksiyangkatok. Talon ng talon… Sigawngsigaw..
Inay may asopo..

Subalithindinamansiyamabuksanagadngkanyanginadahil may ginagawa pa itosakusina.
Naku! Malapitnasa akin angmgaaso. Huhuhu..
Napaiyaknasiyanghindi pa rinnabuksanngkanyanginaang pinto.
Dahildoon ay iniwannalamangniyaangulamsaharapng pinto ngkanilangbahaysabaykumaripasmulingtakbo.

O Careen, bakit? “Wikangkanyangina.”
Subalitnakaalisnasiyangmabuksannitoang pinto.

Takbosiyangtakbo.Ayaw pa rinsiyangtantananngmgaaso.HangangsamakaratingsapalayanniMangTandoy.

Dahilsamaputik at basaanglupa ay nadulassiya. Tuloy-tuloyhanggangsaputikan.

Mabutinalang at kumalmaangmgaasonahumahabolsakanya. At umalis din angmgaitopagkaraanngilangsandali.

Natawaangkanyanginasapangyayari. Habangiyaknamansiyangiyaksatakotnakansayangsinapit.

Pagahonniya ay nakitaniyananaiwananghulmangkanyangkatawansatubigan. Natawapatimgakapitbahayniyasanakita. Para kasinsiyang zombie naumahonmulasahukaysakanyanghitsuranapunongmaitimnaputik.Umalisnalamangsiya p-agkataposngpangyayari.

Nabalingnalamangangkanyangisipmulasapag-alalasanakraanngtinapikangkanyangbalikatngbinatanganakni Mrs. Chavarria. Si Andel. Crush niyaito. Kaya biglanalamangnawalaangtakotnitodahilsatamisngngitingbinatasakanya.



--WAKAS--

Ang Kalupi ni Benjamin P. Pascual


Ang Kalupi
ni  Benjamin P. Pascual

Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barungbarong. Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinapagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakikintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang manipis at maputlang labi, bahagyang pasok sa pagkakalat, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa gabing iyon ay tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na. Ang pagkakaroon ng isang anak na nagtapos ng high school ay hindi na isang maliit na bagay sa isang mahirap na gaya niya, naiisip niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuotang puting-puti , kipkip ang ilang libro at nakangiti, patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din siya ng mamanuganging may sinabi rin naman. Nasa daan na siya ay para pa niyang naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-ikot nitong isinusukat sa harap ng salamin ang nagbuburdahang puting damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti siyang muli. 

Mamimili si Aling Marta.Bitbit ng isang kamay ng isang pangnang sisidlan ng kanyang pamimilhing uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang bayan sa Tundo, ay mataman niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi pangkaraniwang araw ito at kailangang magkaroon silang mag-anak ng hindi pangkaraniwang pananghalian. Bibili siyang ng isang matabang manok, isang kilong baboy, gulay na panahog at dalawang piling na saging. Bibili rin siya ng grabansos. Gusto-gusto ng kanyang magtatapos na anak ang minatamis na grabansos. 

Mag-iikasiyam na nang dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na niya ang di magkamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga magbabangos na pagkanta pang isinisigaw ang halaga ng kanilang paninda, ang salit-salitang tawaran ng mga mamimili. 

Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan.Sa harapan niya piniling magdaan. Ang lugar ng magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnang lagusan siya daraan upang magdaan tuloy sa tindahan tuloy sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng mantika. Nang dumating siya sa gitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok, ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaki, at ang kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang dibdib. “Ano ka ba?” ang bulyaw ni Aling Marta. “Kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!”

Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang - lilis ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hanggang pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap. 

“Pasensiya na kayo, Ale’ ang sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos. Tigbebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. “Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho ako, e.” 

“Pasensya!” – sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang –ingat mo’y pagpapasensiyahan nang pagpapasensyahan ay makakapatay ka ng tao.” 

Agad siyang tumalikod at tuloy-tuloy na pumasok. Paano’t pano man, naisip niya, ay ako ang huling nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na itong nagawan ng di mabuti ay sa kanyang pa manggagaling ang huling salita. Mataman niyang inisip kung may iba pang nakakita sa nangyari. Marahas ang kanyang pagkakapagsalita sa bata at maaaring may kakilala siyang nagdaraan na nakarinig ng kanyang mga sinabi. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng ilang kartong mantika. 


“Tumaba yata kayo, Aling Gondang, “ ang bati niya sa may kagulangan nang tindera na siya niyang nakaugaliang bilhan. Nakangiti siya at ang babae ay ngumiti rin. 

“Tila nga ho, “ ani Aling Gondang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.” 

Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Saglit na nangulimlim ang kanyang mukha at ang ngiti sa maninipis niayng niyang labi ay nawala. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ng kanyang anyo. 

“Bakit ho?anito. 


“E . . . e, nawawala ho ang aking pitaka, “ wala sa loob na sagot ni Aling Marta. 

“Ku, e magkano ho naman ang laman?” ang tanong ng babae. 

Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi. Sabado. Ngunit aywan ba niya kung bakit ang di pa ma’y nakikiramay ang tonong nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihing, “E, sandaan at sampung piso ho.” 

Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Tumama ang siko nito sa kanyang dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang tumalikod at patakbong lumabas. Hindi pa marahil iyon nakalalayo; may ilang sandali pa lamang ang nakaraan, ang tabas ng mukha, ang mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang malilliit at ng mangilan-ngilang namimili at ang batang panakaw na nagtitinda ng gulay, ay nagpalingan-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad, sa harap ng mga bilao ng gulay na halos mayapakan na niya sa pagmamadali, at sa gawing dulo ng pusisyon na di kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost ng mga pulis, ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Hindi siya maaring magkamali: ang wakwak na kamiseta nito at ang mahabang panahon na ari’y salawal ding ginagamit ng kanyang ama, ay sapat nang palatandaan upang ito ay madaling makilala. At ang hawak nitong bangos na tigbebente. 

Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig. “Nakita rin kita!” ang sAbi niyang humihingal. “Ikaw ang dumukot sa pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!” 

Tiyakan ang kanyang pagkakasalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aapuhap ng isasagot ay masukol niyang buong-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot: 

“Ano hong pitaka? “ ang sabi. Wala ho akong kinukuha sa inyong pitaka.“ 

“Ano wala!” pasinghal na sabi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumudukot ng pitaka ko at wala ng iba. Kunwa pa’y binangga mo ‘ko, ano ha ?Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke!” 


Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaeng namimili. Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawak sa liig ng bata at ito’y pilit na iniharap sa karamihan. 

“Aba, kangina ba namang pumasok ako sa palengke e banggain ako, “ang sabi niya. “Nang magbabayad ako ng pinamili ko’t kapain ko ang bulsa ko e wala nang laman!” 

“Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo, “sabing nakalabi ng isang babaing nakikinig. “Talagang dito ho sa palengke’y maraming naglilipanang batang gaya niyan.” 

“Tena, “ang sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.” 

“Bakit ho, saan ninyo ako dadalhin?” 

“Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta at pinisil ang liig ng bata. “Ibibigay kita sa pulis. Ipabibilanggo kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.” 

Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang dalawahing – kamay ang pag-alis ng mabutong daliri ni Aling Marta na tila kawad sa pakakasakal sa kanyang liig. May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis na tanod sa mga pagkakataong tulad niyon, at nang ito ay malapit na ay sinimulan ni Aling Marta ang pagsusumbong. “Nasiguro ko hong siya dahil sa nang ako’y kanyang banggain, e, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa, “patapos niyang pagsusumbong. “Hindi ko lang ho naino kaagad pagkat ako’y nagmamadali.” 



Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot nito at ang nagmamapa-sa duming katawan, pagkatapos ay patiyad na naupo sa harap nito at sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, na sa pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiyak, ay lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at tadtad ng sulsi, diyes sentimos na papel at ang tigbebenteng bangos. 

“Natitiyak ho ba ninyong siya ang dumukot ng inyong pitaka? “ang tanong ng pulis kay Aling Marta.

“Siya ho at wala ng iba,” ang sagot ni Aling Marta. 

“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aleng ito?” mabalasik na tanong ng pulis sa bata. “Magsabi ka ng totoo, kung di ay dadalhin kita.” 

“Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya, “sisiguk-sigok na sagot ng bata. “Maski kapkapan ninyo ‘ko nang kapkapan e wala kayong makukuha sa akin. Hindi ho ako mandurukot. 

“Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin naming sa iyo kung ang pitaka ko e naipasa mo na sa kapuwa mo mandurukot! O, ano, hindi ba ganon kayong mga tekas kung lumakad …. dala-dalawa, tatlu-tatlo! Ku, ang mabuti ho yata, mamang pulis, e ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon matulong matakot iyan at magsabi ng totoo.” 

Tumindig ang pulis,” Hindi ho natin karaka-rakang madadala ito ng walang evidencia. Kinakailangang kahit paano’y magkaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga ang dumukot ng inyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?” 

“E, ano pang ebidensya ang hinahanap mo? ang sabi ni Aling Marta na nakalimutan ang pamumupo. “Sinabi nang binangga akong sadya, at naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa. Ano pa?Sa bata nakatingin ang pulis na wari’y nag-iisip ng dapat niyang gawain, maya’y maling naupo at dumukot ng isang lapis at isang mallit na kuwaderno sa kanyang bulsa. 

“Ano ang pangalan mo?ang tanong niya sa bata. 

“Andres Reyes po.” 

“Saan ka nakatira?ang muling tanong ng pulis. Lumingon ang bata sa kanyang paligid, inisa– isa ang mga mukhang nakatunghay sa kanya. “Wala ho kaming bahay,” ang sagot. ” Ang tatay ko ho e may sakit at kami ho, kung minsan, ay sa bahay ng Tiyang Ines ko nakatira, sa Blumentritt, kung minsan naman ho e sa mga ko sa Kiyapo at kung minsan e sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inutusan nga lang ho niya ‘kong bumili ng ulam para mamayang tanghali. 

“Samakatuwid ay dito kayong mag-ama nakatira ngayon sa Tundo?” ang tanong ng pulis. 

“Oho, “ang sagot ng bata, “pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay dahil sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong bumasa e.” 


Ang walang kaawa awang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay makabagot sa kanyang pandinig; sa palagay ba niya ay para silang walang mararating; sa palagay ba niya ay para silang walang mararating. Lumalaon ay dumarami ang tao sa kanilang paligid at ang pulis na umiusig ay tila siyang –siya sa kanyang pagtatanong at pagsusulat sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng pagkainis. 

“Ang mabuti ho yata e dalhin na natin iyan kung dadalhin, “ ang sabi niya.”Pinagkakaguluhan lamang tayo ng mga tao rito ay wala namang nangyayari. Kung hindi naman ninyo kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.’ 

“Hirap sa inyo ay sabad kayo ng sabad , e” sabi ng pulis. “Buweno , kung gusto n’yong dalhin ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel . Doon sabihin ang gusto ninyong sabihin at doon n’yo gawain ang gusto n’ong gawain.” 

Inakbayan niya ang bata at inilakad na patungo sa outpost, kasunod ang hindi umiiyak na si Aling Marta at ang isang hugos na tao na ang ilan ay pangiti-ngiti habang silang tatlo ay minamasdan. Sa harap ng outpost ay huminto ang pulis. 

“Maghintay kayo rito sandali at tatawag ako sa kuwartel para pahalili, “ ang sabi sa kanya at pumasok . Naiwan siya sa harap ng bata, at ngayon ay tila maamong kordero sa pagkakatungo, sisiguk-sigok, nilalaro ng payat na mga daliri ang ulo ng tangang bangos. Luminga-linga siya. Tanghali na; ilan-ilan na lamang ang nakikita niyang pumasok sa palengke. Iniisip niya kung ilang oras pa ang kinakailangan niyang ipaghintay bago siya makauwi; dalawa, tatlo o maaaring sa hapon na. Naalala niya ang kanyang anak sa dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa paghihintay; at para niyang narinig ang sasabihin nito kung siya’y darating na walang dala ano man, walang dala at walang pera. Nagsiklab ang poot sa kanya sa kangina pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may kung anong sumalak sa kanyang ulo; mandi’y gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap. Hinawakan niya ito sa isang bisig, at sa pagdidilim ng kanyang paningin ay pabalinghat niyang pinilit sa likod nito. 


“Tinamaan ka ng lintek na bata ka!Ang sabi niyang pinanginginigan ng laman.“Kung walang binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, ako ang gagawa ng ikaaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan/ Saan? 

Napahiyaw ang bata sa sakit; ang biig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa likod. Ang mga nanonood ay parang nangangapatdan ng dila upang makapagsalita ng pagtutol. Ang kaliwang kamay ni Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kanyang kamay at nang mailapit sa kanyang bibig ay buong pangigil na kinagat. 


Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matitisgas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, ng siya ay bitiwan ng nasaktang si Aling Marta at makalayong papaurong, ay naalaala niya ang kalayaan, kay Aling Marta at sa dumaakip na pulis, at siya ay humahanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingun-lingon na tumakbo, patungo sa ibayo nang maluwag na daan. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na salitang nagbubuhat sa humahabol na si Aling Marta, at ang sigaw ng pulis at ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya ng umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng ilang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kanya ang buong paligid at sa pagmumulat na muli ng kanyang paningin, sa pagbabalik ng kanyang ulirat, ay wala siyang nakita kundi ang madaliin ang anino ng kanyang mukhang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan. 

Hindi umimik si Aling Marta habang minamasdan ang bata Maputla ang kulay ng kanyang mukha at aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas. Malanig na pawis ang gumigiti sa kanyang noo at ang tuhod niya ay parang nangangalog. Hindi siya makapag-angat ng paningin; sa palagay ba niya ay sa kanya nakatuon ang paningin ng lahat at siyang binubutan ng sisi. Bakit ba ako nanganganino sa kanila? Pinipilit niyang usalin sa sarili. Ginawa ko lamang ang dapat gawin ninuman at nalalaman ng lahat na ang nangyayaring ito’y pagbabayad lamang ng bata Sa kanyang nagawang kasalanan. 

Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata ay napagtulungan ng ilan na buhatin sa bangketa upang doon pagyamanin at ipaghintay ng ambulansiya kung aabot pa. Ang kalahati ng kanyang katawan, ang dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at ang gulanin niyang kasuotan ay tuluyan nang nawalat sa kanyang katawan. Makailang sandali pa, pagdating ng pulis ay pamuling nagmulat ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang mukha ni Aling Marta. 

“Maski kapkapan niniyo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing paputul-putol na nilalabasan ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinuha ang inyong pitaka.” 

May kung anong malamig ang naramdaman ni Aling Marta na gumapang sa kanyang katawan; ang bata ay pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang sandali pa ay lumulungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong napailing. Patay na, naisaloob ni aling Marta sa kanyang sarili. 

“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kanya. Nakatayo ito sa kanyang tabi at hawak naman ang kuwaderno at lapis. “Siguro’y Matutuwa na kayo niyan.” 

“Sa palagay kaya ninyo e may sasagutin ako sa nangyari?” ang tanong ni Aling Marta. 

“Wala naman, sa palagay ko,” Ang sagot ng pulis. “ Kung may mananagot niyan ay walang iba kundi ang pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na rin ang mananagot niyan , “ may himig pangungutya ang tinig ng pulis. 

“Makaaalis na po kayo?” tanong ni Aling Marta. 


“Maaari na”, sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailanang iwan ninyo sa akin ang inyong pangalan at direksiyon ng inyong bahay upang kung mangangailangan ng kaunting pag-aayos ay mahingan naming kayo ng ulat.” 

Ibinigay ni Aling Marta ang tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang tinging lumalayo sa karamihan . Para pa siyang naghihina at magulong-magulo ang kanyang isip; Sali-salimuot na alalahanin ang nagsasalimbayan sa kanyang diwa. Lumakad siya ngayon na walang tiyak na patutunguhan. Naalala niya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat niyang iuuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga mata ng kanyang asawa sa sandaking malaman nito ang pagkawala ng pera. Magtatanong iyon, magagalit, hanggang sa siya ay mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng mahahayap na pangungusap, sisihan, tungayawan, at ang mga anak niyang ga-graduate ay magpapalahaw ng panangis hanggang sila ay puntahan at payapain ng mga kapitbahay. 

Katakut-takot na gulo at kahihiyan, sa loob-loob ni Aling Marta, at hindi sinasadya ay muling nadako ang pinag-uugatang diwa sa banghay ng bata na natatakpan ng diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat. 

Kung hindi sa tinamaan ng lintik na iyon ay hindi ako masusuot sa suliraning ito, usal niya sa sarili. Kasi imbi, walang pinag-aralan, maruming palaboy ng kapalarang umaasa sa taba ng iba. Mabuti nga sa kanya! 

Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit papaano’y makapag-uwi siya ng ulam sa pananghalian. Pagkakain ng kanyang asawa ay malamig na ang kukote nito at saka niya sasabihin ang pagkawala ng pera. Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng madalas na sabihin nito, na ang lahat ay dahil sa malabis niyang paghahangad na makapagdala ng labis na salaping ipamimili, upang makapamburot at maipamata sa kapwa na hindi sila naghihirap. Ngunit ang lahat ay titiisin niya, hindi siya kikibo. Ililihim din niya ang nangyaring sakuna sa bata; ayaw ng kanyang asawa ng iskandalo; at kung sakali’t darating ang pulis na kukuha ng ulat ay lilihimin niya ito. At tungkol sa ulam mangungutang siya ng pera sa tindahan ni Aling Gondang at iyon ang kanyang ipamimili – nasabi niya rito na ang nawala niyang pera ay isang daan at sampung piso at halagang iyon ay napakalaki na upang ang lima o sampung ay ipagkait nito sa kanya bilang panakip. Hindi iyon makapahihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa manipis na labi ni aling Marta nang ipihit niya ang kanyang mga paa patungong pamilihan. 

Tanghali na nang siya ay umuwi. Sa daan pa lamang bago siya pumasok sa tarangkahan, ay natanaw na niya ang kanyang anak na dalaga na nakapamintana sa kanilang barung-barong. Nakangiti ito at siya ay minamasdan, ngunit nang malapit na siya at nakita ang dala ay napangunot-noo, lumingon sa loob ng kabahayan at may tinawag. Sumungaw ang payat na mukha ng kanyang asawa. 

“Saan ka kumuhang ipinamili mo niyan, Nanay?” ang sabi ng kanyang anak na ga-graduate. 

“E… e,” hindi magkandatutong sagot ni Aling Marta. “Saan pa kundi sa aking pitaka.” 

Nagkatinginan ang mag-ama. 

“Ngunit, Marta,” ng sabi ng kanyang asawa , “Ang pitaka mo e naiwan mo! Kanginang bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka ba kumuha ng ipinamili mo niyan ?” 

Biglang –bigla, anaki’y kidlad na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gunita ni Aling Marta ang larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng diyaryo, at para niyang narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito; Maski kapkapan ninyo ako, e wala kayong makukuha sa ‘kin. Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinangangapusan ng hininga at sa palagay ba niya ay umiikot ang buong paligid; at bago siya tuluyang mawalan ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng kanyang asawa’t anak, at ang papaliit at lumalabong salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?
 
--WAKAS--

 



Daluyong

Daluyong

Hatinggabi.Ginulantang si Kardo ng langitngit ng uga ng kanilang bahay.Sa simula’y marahan ngunit mayamaya’y para na siyang idinuruyan sa kanyang pagkakahiga.

“Lindol! Lumilindol!” ang sigaw niya sabay balikwas sa kinahihigaan.

Dali-daling bumaba si Kardo kasunod ng kanyang asawa’t dalawang anak. Hindi magkamayaw ang mga taong tulad nila na humahanap din ng kaligtasan sa labas ng bahay.

“Diyos ko, iligtas Mo po kami,” ang dasal ng karamihan.

Nakabibingi ang tilian at iyakan ng mga bata at matatanda.

“Ito na yata an gating katapusan,” ang wika ng ilan.

Bahagyang napayapa ang mga tao ng tumigil ang lindol. Subalit ilang minute pa ay napansin nila ang pagtaas ng tubig sa dagat sa akanilang kinaroroonan. Dagling kinabahan si Kardo .alam niyang ang kasunod ng lindol ay daluyong.

Lalong nangatakot ang mga tao ng marinig ang di-pangkaraniwang ugong na nagmumula sa dagat. Kitang-kita nila ang naglalakihang alon na parang naghahabulang palapit sa pampang.

“Takbo kayo! Kilos at hayan na ang daluyong!” ang sigaw ni Kardo sabay bitbit sa isang anak.

“Mamamatay tayo! Mamamatay tayo!” ang tilian ng mga tao na walang malay sulingan sa pagtakbo.

Hindi pa nakalalayo si Kardo nang marinig niya ang nakalulunos na sigaw ng asawa’t anak.

Napatiim-bagang siya nang siya ay lumingon at makitang nilalamon ng higanteng alon ang mga iyon. Binilisan niya ang takbo upang iligtas ang anak na mahigpit na nakahawak sa kanyang leeg.

Mayamaya’y inabot siya ng rumaragasang alon. Nakabitaw sa pagkakapit ang anak at mabilis itong tinangay ng malakas na alon. Kumilos si Kardo upang iligtas ang anak subalit pinigil siya ng isa pang nangangalit na alon. Bahagya niyang narinig ang tawag ng anak,

“T-a-t-a-y!”

Halos malunod si Kardo sa dami ng tubig-alat na kanyang nainom. Naramdaman na lamang niya na bumangga ang kanyang katawan sa isang malaking puno. Snunggaban niya ito at niyapos ng mahigpit habang walang humpay ang palo ng nagpupuyos na alon sa kanyang katawan.

Hindi na niya matandaan ang sumunod na pangyayari. Nang imulat niya ang namimigat na mga mataay payapa na ang kalikasan.matindi ang pagod na kanyang nadama. Makailang ulit siyang huminga nang malalim upang kaipala’y manauli sa kanyang lakas. Dahan-dahan siyang tumayo at saka minalas ang kapaligiran.Nagkalat ang mga patay.Wala nang nakatayong bahay. Ang dati-rati’y masigla at magandang baryong iyon ay mistulan libingan sa ngayon.

Inihatid ni Kardo ngnamimigat niyang paa sa pampang ng dagat. Bawat nakatimbuwang na katawan ay kanyang inaaninaw. Makailang ulit na sumikdo ang kanyang dibdib tuwing may makikita siyang kahawig ng asawa’t anak. Tinanaw niya ang dagat at sa kulay lupang tubig ay pilit na binakas ang anino ng mga ito. Subalit nabigo siya.

Marahang bumalik si Kardo sa pook na dating kinatitirikan ng kanilang bahay. May pag-asang nabuhay sa kanyang puso.

“Baka nakaligtas sila at hinahanap nila ako roon,” ang wika niya sa sarili.

Nang sapitin niya ang kanilang lugar ay nanlumo siya.Wala ang inaasahan niyang makita. Parang duming  napalis ang kanilang tahanan. Napayupyop si Kardo sa mga palad.

“Diyos ko, bakit kailangan mo sa akin kunin ang lahat?” ang pahimutok niyang sabi.

Nasa gayon siyang kalagayan nang maramdaman niya ang marahang tapik sa kanyang balikat.

“Pare, hindi lamang ikaw ang nawalan.”

Itinaas ni Kardo ang kanyang paningin at nakita niyaang malungkot na mukhang dating kapitbahay.

“Alisin mo ang habag sa sarili. Pakinggan mo ang daing ng mga kasama nating nasa bingit ng kamatayan. Kailangan nila atayo, hindi ba?” ang patuloy ng llaki.

Waring natighaw ang pagdadalamhati ni Kardo. Lumakad itong ksabay ng lalaki patungo sa nangangailangan sa kanya.

--WAKAS--


Hango sa Punla, Sining ng Komunikasyon II, Ministri ng Edukasyon at Kultura (1979)Daluyong

Hatinggabi.Ginulantang si Kardo ng langitngit ng uga ng kanilang bahay.Sa simula’y marahan ngunit mayamaya’y para na siyang idinuruyan sa kanyang pagkakahiga.

“Lindol! Lumilindol!” ang sigaw niya sabay balikwas sa kinahihigaan.

Dali-daling bumaba si Kardo kasunod ng kanyang asawa’t dalawang anak. Hindi magkamayaw ang mga taong tulad nila na humahanap din ng kaligtasan sa labas ng bahay.

“Diyos ko, iligtas Mo po kami,” ang dasal ng karamihan.

Nakabibingi ang tilian at iyakan ng mga bata at matatanda.

“Ito na yata an gating katapusan,” ang wika ng ilan.

Bahagyang napayapa ang mga tao ng tumigil ang lindol. Subalit ilang minute pa ay napansin nila ang pagtaas ng tubig sa dagat sa akanilang kinaroroonan. Dagling kinabahan si Kardo .alam niyang ang kasunod ng lindol ay daluyong.

Lalong nangatakot ang mga tao ng marinig ang di-pangkaraniwang ugong na nagmumula sa dagat. Kitang-kita nila ang naglalakihang alon na parang naghahabulang palapit sa pampang.

“Takbo kayo! Kilos at hayan na ang daluyong!” ang sigaw ni Kardo sabay bitbit sa isang anak.

“Mamamatay tayo! Mamamatay tayo!” ang tilian ng mga tao na walang malay sulingan sa pagtakbo.

Hindi pa nakalalayo si Kardo nang marinig niya ang nakalulunos na sigaw ng asawa’t anak.

Napatiim-bagang siya nang siya ay lumingon at makitang nilalamon ng higanteng alon ang mga iyon. Binilisan niya ang takbo upang iligtas ang anak na mahigpit na nakahawak sa kanyang leeg.

Mayamaya’y inabot siya ng rumaragasang alon. Nakabitaw sa pagkakapit ang anak at mabilis itong tinangay ng malakas na alon. Kumilos si Kardo upang iligtas ang anak subalit pinigil siya ng isa pang nangangalit na alon. Bahagya niyang narinig ang tawag ng anak,

“T-a-t-a-y!”

Halos malunod si Kardo sa dami ng tubig-alat na kanyang nainom. Naramdaman na lamang niya na bumangga ang kanyang katawan sa isang malaking puno. Snunggaban niya ito at niyapos ng mahigpit habang walang humpay ang palo ng nagpupuyos na alon sa kanyang katawan.

Hindi na niya matandaan ang sumunod na pangyayari. Nang imulat niya ang namimigat na mga mataay payapa na ang kalikasan.matindi ang pagod na kanyang nadama. Makailang ulit siyang huminga nang malalim upang kaipala’y manauli sa kanyang lakas. Dahan-dahan siyang tumayo at saka minalas ang kapaligiran.Nagkalat ang mga patay.Wala nang nakatayong bahay. Ang dati-rati’y masigla at magandang baryong iyon ay mistulan libingan sa ngayon.

Inihatid ni Kardo ngnamimigat niyang paa sa pampang ng dagat. Bawat nakatimbuwang na katawan ay kanyang inaaninaw. Makailang ulit na sumikdo ang kanyang dibdib tuwing may makikita siyang kahawig ng asawa’t anak. Tinanaw niya ang dagat at sa kulay lupang tubig ay pilit na binakas ang anino ng mga ito. Subalit nabigo siya.

Marahang bumalik si Kardo sa pook na dating kinatitirikan ng kanilang bahay. May pag-asang nabuhay sa kanyang puso.

“Baka nakaligtas sila at hinahanap nila ako roon,” ang wika niya sa sarili.

Nang sapitin niya ang kanilang lugar ay nanlumo siya.Wala ang inaasahan niyang makita. Parang duming  napalis ang kanilang tahanan. Napayupyop si Kardo sa mga palad.

“Diyos ko, bakit kailangan mo sa akin kunin ang lahat?” ang pahimutok niyang sabi.

Nasa gayon siyang kalagayan nang maramdaman niya ang marahang tapik sa kanyang balikat.

“Pare, hindi lamang ikaw ang nawalan.”

Itinaas ni Kardo ang kanyang paningin at nakita niyaang malungkot na mukhang dating kapitbahay.

“Alisin mo ang habag sa sarili. Pakinggan mo ang daing ng mga kasama nating nasa bingit ng kamatayan. Kailangan nila atayo, hindi ba?” ang patuloy ng llaki.

Waring natighaw ang pagdadalamhati ni Kardo. Lumakad itong ksabay ng lalaki patungo sa nangangailangan sa kanya.

--WAKAS--

Hango sa Punla, Sining ng Komunikasyon II, Ministri ng Edukasyon at Kultura (1979)

SUNTOK SA BUWAN Ni: Allan Lopez

SUNTOK SA BUWAN
Ni: Allan Lopez

YOU HAVE NOTHING TO LOSE in trying.  What you lose in not going for it is the 50 percent chance of actually achieving your goal.
            Halos memoryado na ni Carl ang script ng speaker sa professional improvement seminar.  Ilang ulit na siyang pinadala rito sa tuwing may libreng imbitasyon ang kumpanyang pinagtatrabahuan mula sa isang suking supplier.  Hindi naman sa wala siyang ginagawa sa opisina – siya lang ang pinakamabagal magtrabaho, kaya siya ang willing na willing ipadala ng kanyang boss kapag sa department nila bumabagsak ang direktibang magpadala ng tao.
            Sa hapong iyon, araw ng Biyernes, mabilis na dumadaan sa isip ni Carl ang mga kaganapan ng nakaraang linggo. Walong taon na siya sa kanyang trabaho – ilang job level adjustment na rin ang kanyang nakuha, pero pareho pa rin ng ginagawa.  Natuto na siyang mabuhay ng walang nangyayari sa buhay bukod sa pumasok, umuwi, o minsang maglakwatsa kasama ng mga kaibigan, umuwi, gumising, at pumasok muli sa trabaho. 
            Pero noong linggong iyon ay nakilala niya si Sunshine. 

SI SUNSHINE: ISA SA MGA bagong pasok na junior managers sa research and development.   Idinaan sila ng trainer sa department nina Carl noong nakaraang Lunes bilang bahagi ng job orientation.  Pinares ang bawat bagong empleyado sa mga mas lumang staff ng department, para ma-orient ang mga ito sa mabusisisng proseso ng paghawak sa mga accounts. 
            “Lumang-luma na ‘yan ah,” bulong ni Sunshine.  Napataas ang kilay ni Carl habang patuloy na nagbukas ng computer files. Nginuso ni Sunshine ang isang maliit na kalendaryong nakasabit sa gilid ng cubicle. “Two years old na siya.”
            “Sa computer na lang ginagamit ko.”
            “Bakit hindi mo tanggalin?”
            “Kasi hindi naman siya dapat pansinin,” hinarap ni Carl ang computer screen kay Sunshine, para idiing dito tumingin, “Ms. Ricaforte, tignan mo.  Ito ang halimbawa ng…”  Nilapit ni Sunshine ang kanyang upuan, at natigilan si Carl.  Sa unang pagkakataon ay napagmasdan niya ng maigi ang hitsura ng kausap:  ang mahabang buhok nito, ang magandang ngiti, ang biloy nito sa pisngi. 
            Napatagal ng kaunti ang kanyang pagtitig, at natauhan na lamang nang magtanong si Sunshine.  “Example ng ano?” 

LUNES.  LUBOS NA PINAGTAKHAN NI Carl ang madalas nilang pagbabanggaan ni Sunshine. Bagbalik niya galing siya isang client meeting, siya namang paglabas ni Sunshine sa building kasama ang ilang kaibigan.  Noong pumunta siya sa copying room dala ang ilang dokumento, siya namang paglabas ni Sunshine sa katabing pantry.  Tatlong beses pa silang nagkasabay sa elevator. 
            Hindi na siya nagtaka noong pumasok si Sunshine sa pantry habang siya’y kumakain bago umuwi.  Gaya ng nakagawian ay nakalimutan na naman niyang mananghalian.   Nginitian siya nito, at nagtungo sa may lababo.  Binuksan ni Sunshine isa-isa ang mga kabinet. Nang hindi makita ang hinahanap, nakapamaywang na sinuyod ng tingin ang mga mesa.
            “Ano ba hinahanap mo, Ms. Ricaforte?”
            “Sunshine na lang.” Kagat labi itong ngumiti, tila biglang nahiya. “Payong ko.”
            “Naku, hindi mo makikita ‘yan.”
            “Bakit?”
            “Hanap ka kasi ng hanap.  Relax ka lang.  Bigla mo na lang makikita.”  Mabilis na napaisip si Carl kung maayos ba – pogi ba – ang hitsura niya noong hapong iyon.  Oo naman.  Ata. Basta, sabi niya sa sarili.  “Halika, join me mag-lunch.  Hahanapin natin ng sabay ang payong mo mamaya.”
            “Alas sais na, ngayon ka lang kumakain ng lunch?”  Natatawang tumabi sa kanya si Sunshine.

DON’T FORGET TO EAT BREAKFAST :P  Hahanapin pa natin payong ko.”  Text message ni Sunshine ang unang nabasa ni Carl ng magising kinabukasan.  Masigla siyang naghanda pumasok noong araw na iyon.  Laking pagtataka ng nanay niyang si Aling Ludy ng madatnan siya nitong nakaupo na sa mesa habang naghahanda pa lamang siya ng almusal.  “Nakapaligo ka na?”
            “Kuya, bakit ang laki ng ngiti mo?” Si Chiqui, ang nakababatang kapatid niyang kauuwi lang – agent ito sa isang call center.  “Na-promote ka ba?”
            Natawa lamang si Carl.“Huwag ka ngang makialam sa usapang matatanda.”  Bagamat professional na, bata pa rin ang tingin niya kay Chiqui.  Siya ang tumayong breadwinner ng pamilya mula noong malugi ang pinagtatrabahuan ng nanay nila, at siya ang tumustos sa pagaaral nito.  “Seriously, maganda lang ang gising ko.”
            “Hello, kuya, kapag maganda ang gising mo, natutulog ka lang ulit.  Huwag ka nga plastic.  Hindi ka naman marunong ngumiti.”
            Si Aling Ludy naman ang napahagikhik, at tumabi sa dalawang anak. “Oo nga.  Mabait ka, pero mas madalas ka pang humatsing kaysa ngumiti.  Nag-apply at natanggap ka na ba sa Crusader?” 
            “Naku, Ma, nawala na nga sa isip ko ‘yon!”
            Ang Philippine Crusader ang tinutukoy ni Aling Ludy.  Isa sa mga pinakatanyag na peryodiko sa bansa, na pangarap niyang pasukan noong siya’y nasa kolehiyo pa’t nangangarap maging peryodista.  Kinailangan niyang pumasok sa isang corporate job dahil sa mga naging pangangailangan ng pamilya.  Hindi kayang tustusan ng maliiit na suweldo ng peryodista ang magtaguyod ng kanilang pamilya.
            “Oo nga, kuya.  Mag-apply ka na sa Crusader kung gusto mo.  After all, malapit na akong mag-Singapore.  Magawa mo man lang ang gusto mo.”
            Ang totoo niya’y nakaliligtaan na lamang ni Carl na mag-apply sa pinapangarap na pasukang peryodiko.  Oo, dalawang taon nang tapos sa pagaaral si Chiqui, at nakakatulong na sa mga gastusin.  Pero parang nanlamig na lamang si Carl sa dating pinangarap.
            Ngumiti lamang si Carl habang sinisimsim ang mainit na kape.  Tama ang paalala ng kanyang kapatid at ina.  Pero mali sila.  Sa pagkakataong iyon, walang kinalaman sa sariling pangarap ang kanyang magandang mood.

INAYA NI CARL SI SUNSHINE sa paborito nitong kantinang malapit sa opisina.  Wala na sa business district, pero walang limang minuto galing sa opisina.  Isang “hole in the wall” kung tawagin.  Ni walang pangalan, at paborito ni Carl dahil palaging bagong luto ang pagkain at halos walang kumakain lagpas ng ala-una. 
            “Sana ok lang sa’yo rito.  Hindi sosyal, pero masarap ang pagkain.  Lutong bahay, kasi nga naman bahay lang talaga siya.”
            “Mas gusto ko rin dito kaysa fastfood.”
            “Talaga?  Kala ko puro sosyaling restawran lang kinakainan mo.”
            “Bakit mo naman naisip ‘yan?”
            “Kasi medyo maganda ka.”
            “Medyo lang?”  Pumalahaw ng tawa si Sunshine.“Kikay lang ako pero hindi sosyalera.  Mga simpleng bagay lang ang gusto ko.  Gaya mo.”
            Dinala ng serbidora ang inorder na sinigang na isda ni Sunshine at adobong manok ni Carl.  Nagsalo sila ng ulam.  “Kunwari, dalawa ang inorder natin,” biro ni Sunshine.  Masigla silang nagkukuwentuhan habang kumakain, parang matalik na magkaibigang matagal na hindi nagkita. Kinuwento ni Sunshine ang paglipat nito sa Maynila galing Cebu, kung saan ito nagtrabaho ng ilang taon pagkatapos magtapos sa UP Visayas. Binanggit din ni Carl ang naging usapan nila ng kanyang ina at kapatid, tungkol sa kagustuhan niya dating magtrabaho para sa isang peryodiko.
            “Naku kaya pala naging magkasundo tayo,” bulalas ni Sunshine, “Galing ako sa pamilya ng mga writers.  Ang tatay ko, retiradong editor ng Visayan Star.  Nanay ko, nagtuturo ng creative writing sa San Carlos, at ang dalawang kapatid ko, na nandirito rin sa Maynila, parehong nagsusulat din.  Makata ang isa, tapos iyong isa, playwright.  Ako lang ang naging accountant.”
            “Hindi naman ako manunulat talaga.  Pinangarap ko lang noon, mapakinabangan man lang ang degree ko.  Journalism kasi.”
            “Pero naglalaro pa rin sa isip mo.”
            “Medyo.”
            “Ibig sabihin gusto mo pa rin.” 
            Inubos ni Carl ang natitirang softdrinks. “Siguro.  Pero masyado na akong matanda para pumasok ng entry level sa diyaryo.  Medyo maliit lang ang kita.”
            “Akala ko ba tapos na ang kapatid mo at magaabroad na?  I bet, willing siyang tulungan ka sa gastusin.  Maayos naman kasi ang kita pagkalipas ng ilang taon lang, maski maliit ang kubra sa simula.”
            “Pero matanda na ako.  Gaya ng ng paalala ng nanay ko, dapat lumagay na sa tahimik.”  Nagsindi ng sigarilyo si Carl habang hinihintay si Sunshine. “Paano na lang kung gusto ko magka-girlfriend.  Mahirap naman manligaw ng maliit ang kita.”
            “’Di na uso ‘yon ngayon.  Hanap ka na lang ng liligawanan na maraming pera.”
            “Manligaw ako ng manager, ganoon?”
            “Maski junior manager, puwede na.”
            Nagtawanan silang dalawa, at bahagyang namula si Carl.          

NAGING MALIMIT NA TABLE CONVERSATION ng mga sumunod na araw ang pangarap ni Carl na maging peryodista.  Lubos na naging interesado si Sunshine sa kakayahan ni Carl.  Nahalungkat pa nga nito ang isang lumang company newspaper kung saan lumabas ng ilang article at tula ni Carl.  Naibigan niya, lalo na ang mga tula.
            Nakagawiang ihatid ni Carl si Sunshine.   Bago makasakay ng jeep noong ng Huwebes, may inabot itong brown evelope.  Basahin daw niya pag may panahon siya.  Inusisa ni Carl pagbalik sa opisina.  Ilang clippings mula sa classified ads ng Philippine Crusader.  Opening para sa isang manunulat na may background sa IT at multinational corporation. 
            Napasandal si Carl at bahagyang natawa.  “Pinagtutulakan mo na ako niyan, ha.” Kinausap niya ang silya na noong Lunes lang ay inupuan ni Sunshine, noong una silang nagkakilala.  “Sige, fine, gagawin ko ang gusto ko sa buhay.  Pero paano na tayo niyan?  Nagsisimula pa lang akong magpa-cute sa’yo.” 
            Natawa si Carl sa pagsasalitang mag-isa, at naghandang umuwi.  Bago lumabas ng cubicle, napansin niya ang kalendaryong tinuro ni Sunshine noong una siyang nandirito.  Hindi na nga niya matandaan kung bakit nakasabit pa rin ito.  Lalong hindi niya matandaan kung bakit palagi niyang nakakaligtaang itapon ito. 
            Inisip ni Carl kung mas maganda nga na may espesyal na dahilan na naiwan niya ito rito – halimbawa’y tumigil ang panahon dahil iniwan siya ng dating kasintahan – o wala.  Boring ang walang dahilan.  Walang katuturan, at medyo kahina-hinayang.  Pero wala naman talaga. Nakaligtaan lang niya, gaya ng maraming bagay sa kanyang buhay. 
            Tinapon niya ang kalendaryo sa basurahan. 

GAYA NG DATI, ALAS KUWATRO pa lang ay tapos na ang professional improvement seminar.  Nag-ikot muna sandali sa mall si Carl para bumili ng cake.  May pinaplano siyang maliit na celebration pagkauwi.  Pagbalik niya sa opisina ay inayos niya ang lahat ng mga gamit sa kanyang desk at kinausap ang kaniyang boss.  Masinsinang usapan na inabot ng halos alas siyete ng gabi.
            Umuulan ng lumabas ng building si Carl. 
            “Akala ko may seminar ka?”
            Nagulat si Carl ng tignan ang pinanggalingan ng boses.  Si Sunshine pala ay nakatayo sa isang sulok, hindi makauwi.  “Meron nga. Kanina pang alas kuwatro natapos.  Nawala mo na naman payong mo?”  Minuwestra ni Carl ang dala-dalang cake.  “May konti kaming celebration sa bahay.  Kung wala kang gagawin, daan ka muna. Malaman mo na rin kung saan ako nakatira.”
            “Birthday mo?”
            “Hindi.  Nag-tender ako ng resignation.”  Binuksan ni Carl ang pang-dalawalang payong na dala. “Ito lang ang meron ako ngayon na wala ka.  Poor na ako ngayon.  Ikaw may kasalanan. Kaya halika na, ihahatid kita sa inyo mamaya pagkatapos kumain.” 
            Kinuha ni Sunshine ang cake na dala ni Carl at sumukob sa payong na dala nito.  “Paano na lang ako kung wala ka,” biro nito. Napangiti na lamang si Carl. 
            “Lalo na ako…” Inakbayan ni Carl si Sunshine, hinila itong papalapit, at nagpasalamat sa magandang timing ng ulan. “Halika na, Ms. Junior Manager.” 




--WAKAS--