Miyerkules, Agosto 12, 2015
Nang Maligaw si Nyora Memay Ni: Gervasio B. Santiago
Nang
Maligaw si Nyora Memay
Ni:
Gervasio B. Santiago
Biglang napahinto sa paghakbang si
Nyora Memay. Tila siya nakaranas ng saglit na pagkaidlip o saglit na pagkalimot
sa sarili. Ipinilig ang kanyang ulo. Nagpalinga-linga mulas sa kinarororonan.
“A-ano bang lugar’to? Saan ba-ko
naroroon?” ang usal niya.
Ibang pook ang lugay na iyon,
ibang-iba. Hindi iyon ang dating daan na tuwing Linggi ng umaga’y dinaraanan
niya sa pagsisimba at sa pag-uwi pagkatapos ng misa. Ang mga bahay, pati ang
mga tanawin, ay bago sa kanyang paningin. Wala siyang nakakasabay na kakilala
sa pagtungo sa simbahan, di katulad ng dati.
“N-naligaw ba-ko? Ngunit paano …
imposebling maligaw ako!” ang tutol ng sarili ni Nyora Memay.
Mahigpitnang animnapung taon si Nyora Memay. Mula ng mag-asawa siya,
sa pook na iyon na siya nanirahan. Kilala roon ang angkang Filisteo, pagkat
kung hindi man masasabing kabilang sila sa talgang mayayaman ay nakahihigit
sila sa pangkaraniwan. Bago siya nabalo ay nakapagpagawa sila ng isang
marikitna bunggalo sa loob ng isang malawak na bakuran na nakukubkob ng bakod
na rehas na bakal. Hindi siya nag-aalaala sa kinabukasan, maliban sa
pagmamadyong at pagsisimba.
Lola, may dinaramdam po ba kayo?” ang
usisa ng isang tinig, hindi niya namalayan ang lumapit na tin-edyer. “May
maiutulong po ba ako sa inyo?”
Napamalas si Nyora Memay sa kaharap.
Hindi niya kilala.naka t-shirt na pula at nakamaikling pantaloon.
“N-naligaw yata ako, nasa’n ba rito ang simbahan?”
“Wala pong simbahan sa lugar na ito,
Lola”
“Ano, bakit wala? Alam kong may
simbahan dito, pagkat sa pook na to na ‘ko tumanda. Ako si Nyora Memay Vda. De
Filisteo, maipagtatanong ang pangalan ko rito. Nasa kalye Maginda ang bahay ko,
isang bunggalo. Dapat kong malamang may simbahn ditto.”
“Pero, Lola talaga pong walang
simbahan sa lugar na’to, at… wala rin pong kalye Maginda. Newsboy po ako, at
gala ‘ko sa lugar ditto.
“Diyablo ka, inaabala mo ‘ko sa
pagsisimba ko…”
Tinalikuran na lamang ni Nyora Memay
ang hindi nakahumang bata. Bubulong-bulong siyang galit sa bata. Hindi siya
makapaniwalaang mawawala ang simbahan.Naligaw siya, inaamin niya. Lakad…lakad!
Nasa isip niya, matagpuan lamang niya ang simbahsn, mattiyak na niyang hindi siya naliligaw.
Patuloy sa paglakad si Nyora Memay.
Kung gaanona kahaba ang panahong nakaraan ay hindi niya namamalayan. Ang buong
isip niya’y sa paghahanap. Ayaw niyang magtanong. Hindi niya ugali ang umasa sa
tulong ng ibang tao, kaya nakalimutan niya na sina Sebi, Ata, at Titay, ang
tatlong katulong niya sa bahay, ay mga tao rin.
Hindi napapansin ni Nyora Memay na
nagddilm ang langit. Nakabitin ang maitim na ulap.kaya, nang humugong ang
dumarating na ulan ay nabigla siya, hindi malaman kung saan susuling o tatakbo.
Malalaki ang bahay sa daang iyon, kubkob ng mga bakod na pader o mga rehas na
bakal. Nakasara ang mga gate. Tigmak na sa basa si Nyora Memay nang makasilong
sa isang punong datiles malapt sa isang gate na rehas na bakal.
“N-nagugutom ako,” ang usal ni nyora
Memay nang kumalam ang sikmura .“ Dapat naka sim ba na ‘ko’t nakauwi na ng
bahay… dapat ay kumakain na ‘ko ngayon.”
Kung Linggo ng umaga, hindi ng
huhusto ng almusal si Nyora Memay. Iinom lamang ng gatas at ngangalot ng
biskwit .Pag-uwi ng bahay, saka kakain husto. Batid niya nag uulamin sana sa
umagang iyon—dalawang pritong itlog at dalawang hiwa ng malambot na murkon na
natira niya kagab.
Kangina, bago nanaog ng bahay,
binigyan ni Nyora Memay ng pamili si Sebia. Ibinilinniyang mag-almondigas sa
bihon at mag-adobo ng isang spring chicken at karneng baboy. Ang mga ulam na
iyon ay para sa kanya lamang. Hindi
kasama ang mga utusan . Bukod ang pagkain nila. Limang piso sa buong
isang araw.
Patuloy ang ulan.Bahagya nang
makapananggol kay nyora Memay ang mga dahon ng datiles. Tumutulo na rin siya sa
pagkabasa. Saka naman, may humintong traysikel sa tapat ng gate at bumaba ang
isang babae, nagbukas ng paying at binitbit ang isang basket ng mga pinamili.
Sa unang tingin, inakala niyang si Sebia iyon.
“Sebia!!”
Tuminginkay Nyora Memay ang
babae.Lumapit.
“ Si Ninay ho ako, ang tagapagluto sa
bahy na iyan,” at itinuro ang bahay.
“ A-akala ko’y ikaw si Sebia , ang
tagapagluto ko…”
“Bakit kayo na riyan, Lola?”
“N-naligaw ako… di ko matagpuan ang
aking simbahan… nagugutom ako, giniginaw ako…” ang daing ni Nyora Memay.
“Tena ho kayo sa bahay. Wala ho’ng aking amo , umalis siya kahapon
pa, pero uuwi ngayon. Kaya po ako namimili’y para ipagluto ng gustong pagkain
niya. Tena kayo, Lola… kahit papaano’y
may maiipapakain kami saiyo.”
Ang kami ay nakilala ni Nyora Memay
na dalawang kasama pa ni Ninay sa bahay na iyon—si nena, ang tagapaglaba, at si
sedes na tagapaglinis ng bahay.
Parang dati nang kakilala ang
pagaasikaso kay Nyora Memay ng tatlong katulong na iyon. Ipinaglabas siya ni Ninay ng duster na maipapalit sa kanyang basang damit;
kupasing suwiter mula kay nena ang nakapagpainit sa kanyang katawan; at bagong
tsinelas na abaka ang ipinasuot sa kanya ni sedes.
Naihanda na agad ni ninay an g
pagkain sa isang maliit na mesa sa isang sulok ng kusina. “Dito nalang po kayo
, Lola,” sabi ni Ninay.“ Yung magandang mesa sa kumedor na para lamang sa aming
amo, walang ibang kumakain do’n kung di siya lang. baka tayo madatnan” ay
mahirap na.”
Naupo na sa bangko soi Nyora Memay.
Kung nasa bahay siya, sisikaran niya ang bangkong iyon. Ang silyang inuupuan
niya sa pagkain ay may malambot na kutson. Ngunit gutom siya, halos hayok, kaya
di na niya pinapansin iyon.
“ Pagpasensyahan na po ninyo ‘to, “
ang sabi ni Ninay, na inalis ang takip ng pagkain.” “To po ang pagkain namin
dito.Bukod po kami sa’ming amo. Limang piso po sang-araw para sa pagkain naming
tatlo, at sa mahal po ng mga bilihin ngayo’y anon a ang mabibili niyon?”
Napamalas si Nyora Memay sa
nakahain—kaning sinangag na nangingitim sa mantikang kung makailang beses na
yatang napagprituhan, pinangat na mumunting sapsap at isang tasang umiinit na
salabat. Kinilig si Nyora Memay, naduduwal siya pinigil lamang niya.
“Marami hong pagkain dito, “ Ang
patuloy ni Ninay,” para sa amo lang namin. Pati ho hiwa ng karne o manok o
isda’y binilang niya. Talaga ho… ni hindi kami makapang-umit kahit sampiraso,
at kapag nagkulang, kakatkatan na kami ng murang parang di kami tao ring anak
ng Diyos.”
“Bakit di niyo nilayasan?” ang sabi
ni Nyora Memay, na parang nabigla sa nasabi iyon.
“Mahal ho naming siya. Halos sa
kanyang piling lumaki kaming tatlo. Nabalo siya’t nag-iisa siya sabuhay, wala
kasing anak. Alam po naming na kailangan niya klami, at walang ibang makapagtitiis sa kanya. Nagdarasal nalang
kami na magbago siya kahit kaunti sa pagtinginsa amin.”
Kangina pa sumisigid sa dibdib ni
Nyora Memay ang narinig kay Ninay, ngayo’y nakarating na sa ubod ng kanyang
puso. May na muong luha sa kanyang mga mata. Ang hinakdal sa kanya ni Ninay sa
kung sinong among iyon ay parang naging hinakdal din laban sa kanya ng tatlong
katulong niya sa bahay—sina Sebia, Ata, at Titay ganun din ang trato niya sa
tatlo. Hindi sinasalo sa pagkain. Tinitipid niya ang gugol para sa bunganga ng
mga iyon. Gayong araw-araw ay nakikita niyan g halos pispis ang inuulam. Madals
pa niyan g minumura at binibintangang inuumit ang pagkain niya. Paano nga nakapagtitiis sa kanya sina Sebia, Ata, at
Titay? Siguro nga’y mahal din siya ng mga ito.
“Kain na ho kayo, Lola, kahit
magpapawing-gutom kayo,” si Ninay din iyon.
“Patawarinninyo’ ko mga anak,” ang
sabi ni Nyora Memay, tumulo na ang mga luha sa pisngi.” H-hindi ko makakain
yan’. Iinumin ko nalang ang salabat.”
Ng makainom, pinahid ni Nyora Memay
ang mga basang pisngi. Tumanaw sa labas ng bintana. Tigil na ang ulan, bagaman
kulimlim pa ang langit na tila nalalatagan ngmanipis na ulap.
“uuwi na ‘ko,” ang sabi. “B-baka
madatnan pa ‘ko ng inyong amo’y magalitan kayo dahil sa akin.”
Nagunita ni Nyora Memay, minsa’y may
dinatnan siyanng kamag-anak ni Sebia sa bahay. Nakiusap ito sa kanya na roon
makikitulog ng isang gabi iyon. Hindi siya pumayag.Sa harap ng kamag-anak ay
minura niya si Sebia, kaya dalidali na umalis iyon.
“Baka ho maligaw ulit kayo, Lola?”
Hindi nagpapigil si Nyora Memay.
Tinulungan siya ni Ninay sa pagbibihis. Ang pigta niyang damit ay tinuyo na ni
Nena sa init ng plantsa. Sinuklayan siya ng buhok ni Sedes. Hindi nakaligtaan
ni Ninay naiabot sa kanya ang aklat-dasalang kinaiipitan ng rosary. Ihinatid pa
siya ng tatlo hanggang sa makalabas ng gate. Paulit-ulit ang pasasalamat niya
kina Ninay, Nena, at Sedes.
Sa daan, habang naglalakad si Nyora
Memay, may dasal siya sa ubod ng kanyang puso. Sana’y matagpuan niya ang daan
pabalik sa bahay—kina Sebia, Ata, at Titay. Masidhi ang pagnanais niyang makita
ang tatlong katulong niya. Tila ba mahabang panahong napawala’y siya sa mga
ito.
Walang anu-ano, biglang na patigil si
Nyora Memay. Wari’y may nagdaang pagbabago sa kamalayan niya. Mabilis , halos
sangkisap-mata. Napalinga-linga siya sa magkabilang panig ng daan. Kilala niya
ang bahay.Kilalang –kilala niya. Iyon ang daang papunta sa kanilang bahay. At
malapit na siya sa kanila. Nilingon niya ang pinanggalingan.hinanap niya ang
punong datiles na sinilungan nang abuting ulan. Wala.
Nang nakakilos si Nyora Memay, halos
patakbong nang tinungo ang kanilang bahay. Nakapasok siya sa gate nabagtas ang
harden at nakapanhik sa balkon. Napasadlak siya ng upo sa sopa ng set na
naroroon. Noon siya nakaramdam ng pagkahapo.
“Sebia..Ata…Titay…!” ang naitawag niya sa tatlong katulong.
“Pooo!” ang sagot mula sa loob, gulat
makailang saglit lamang, tatlong katawan na ang sumungaw sa
pinto.
“B-bakit ho? Di ba kayo nagsimba? May
dinaramdam po ba kayo?” ang tanong ni Sebia ngunit sa mukha ng tatlo ang
pagaalala.” W-wala ‘kong dinaramdam mga anak, noon lamang niya na tawag na mga
anak ang tatlo.”A-ano bangoras na ngayon?”
Pasado alasais lang ho . . . di pa
natatagalang nanaog kayo kangina para magsimba.”
“ha? Gayon ba?”
“Ano
ho bang nangyari’t nagbalik kayo?”
“ N-naligaw ako…” ani Nyora Memay, at
hindi na naituloy ang ibang sasabihin pa. maipapaliwanag ba ang nangyari sa
kanya? Marahil Diyos lamang ang makapagpapaliwanag.” Sebia, Ata,Titay mula
ngayon, sasalo na kayo sakin sa pagkain…
dadagdaganmo ngayon ang bibilhin mo, Sebia, para sa ating lahat,” at saka
idinugtong. ”Sa isang Linggo na ako magsisimba… siguro’y matatagpuan ko na ang
simbahan, kung kassama ko na kayong tatlo.”
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
summary please
TumugonBurahinThe translation made no fucking sense.
TumugonBurahin